Umiinit, umuulan, ang panahon ay pabago-bago. Minsan tirik ang araw, maya-maya’y aambon na. Oh, no! Pero dito sa "It's Showtime," ang good vibes ay hindi lang weather-weather, consistent 'yan forever!
Koronang kumikinang ay ipuputong sa accla na sa chukchak ay magaling. Isa lang ang aangat, kaya dapat ang talak ay pak na pak. Mga beks, atack!
For today's video, rumampa at rumatsada sina AR Duque, Rafa Manalang Ileto, at Billy Labitan Yadao. Sa Tumpak Ganern, hindi puwedeng tama lang ang sagot, dapat mabilis din ang mga kamay sa pagpindot. Kinapos sa speed si Rafa, kaya sina AR at Billy ang umabante sa next mission nilang ma-impress ang buong nation sa Wit Lang round.
Nabunot ni Billy ang tanong na, “Okay lang ba maraming nafo-fall sa’yo pero kanal ka?” habang si AR naman ay napaisip sa playtime question na, “Okay lang ba titingalain ka ng marami pero butiki ka?”
Samantala, kung si Ryan Bang ang may bitbit ng bowl of questions, may espesyal na tanong din siya para kay hurado Max Collins. Tumapatang ang oppa at bumanat sa magandang hurado sa harap niya. 'Yung coffee invite, mukhang mauuwi pa sa dinner. Abangan ang susund na kabanata!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
