← Back to Home

PUP Balik Sinta: Selebrasyon sa pagbubukas ng pang-akademikong taon

Bilang hudyat ng pagbubukas ng akademikong taon, sinalubong ng mga Iskolar ng Bayan ang pagbubukas ng taon sa kilig, indak, at sing along sa PUP Balik Sinta: The Odd Campus Tour nitong Setyembre 30 sa PUP Oval.

🕒 10/5/2026, 6:07:17 AM•267 words•EN

. .

#PUP#events

Mga estudyante na dumalo sa PUP Balik Sinta. Jhon Laurence Eso, ABS-CBN News Digital Intern  

Bilang hudyat ng pagbubukas ng akademikong taon, sinalubong ng mga Iskolar ng Bayan ang pagbubukas ng taon sa kilig, indak, at sing along sa PUP Balik Sinta: The Odd Campus Tour nitong Setyembre 30 sa PUP Oval.

Libo-libo ang nakisaya at humataw sa mga bigating mga artist sa nasabing programa.

Dumalo sina Eugene Layag na nag-perform ng indie music, ang pop-rock band na The Nomads, at si Chrstn na nagbahagi ng awitin para sa mga hopeless romantic.

Dinala naman ni Kiddotin ang angas sa main stage, at nagpakilig ng gabi ang Pinoy boy group na BILIB. 

Mga miyembro ng BILIB sa PUP Balik Sinta. Jhon Laurence Eso, ABS-CBN News Digital Intern  

Sa kalagitnaan ng pagdiriwang, nagkasa ng kilos-protesta ang malawakang hanay ng mga estudyante para mailabas ang iba't iba nitong mga daing sa PUP admininistration at sa gobyerno. 

Kabilang sa kanilang panawagan ay ang pagtaas ng budget sa PUP, pagtutol sa rumaragasang National Polytechnic University Bill, at paglaban sa karapatang pang-demokratiko at kalayaang pang-akademiko ng bawat Iskolar ng Bayan.

Kilos-protesta sa PUP Balik Sinta. Jhon Laurence Eso, ABS-CBN News Digital Intern

Nagsalita rin sina Mx. CJ Diaz, ang kasalukuyang chairperson ng SAMASA PUP, at Tatay Jhun mula sa Samahang Janitorial ng PUP upang ibahagi ang karanasan nila sa PUP administration.

Nagpatuloy ang kasiyahan sa performance ng Esremborak, na tumatak sa bawat kabataan dahil sa awitin nilang "Mahal Magmahal." 

Bago ang finale na fireworks display, kilig ang inabot ng mga Iskolar ng Bayan sa paghaharana ng 12th Street, Keniniah, at Healy after Dark.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.