← Back to Home

Lalaking namaril sa nakaalitan sa Taguig arestado

Isang 41-anyos na lalaki ang arestado matapos umanong barilin ang kanyang nakaalitan sa Barangay Cembo, Taguig City noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 30.

🕒 10/1/2026, 10:14:32 AM•347 words•EN
Jeff Caparas

Jeff Caparas

Jeff Caparas, an ABS-CBN News reporter with 12+ years of experience, covers crime and national security. Host of Philippines’ Most Shocking Stories and DZMM’s Spot Report, he’s a DLSU-Dasmariñas graduate and a UP Jaena Journalism Workshop fellow.

#Pamamaril#Taguig City#Arestado

Taguig City Police Station photo

MAYNILA — Isang 41-anyos na lalaki ang arestado matapos umanong barilin ang kanyang nakaalitan sa Barangay Cembo, Taguig City noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 30. 

Masuwerte namang nakaligtas ang biktima matapos tamaan ng debris mula sa semento nang paputukan umano ng suspek.

Ayon sa Taguig City Police, naganap ang insidente bandang alas-5 ng hapon sa Sampaloc Street. 

Sa CCTV, makikitang hinarang ng mga rumespondeng nakasibilyang pulis ang isang puting sasakyan at pinababa ang driver na suspek sa pagpaputok ng baril sa lugar.

Lalaki patay matapos barilin sa Tondo

Pagdating ng mga nagpapatrolya at naka-unipormeng pulis, tuluyan nang naaresto ang suspek.  

Nakuha mula sa passenger seat ng sasakyan ang isang kalibre .45 na baril.

Sa imbestigasyon, lumitaw na nagsimula ang insidente matapos mapansin ang ilang motorsiklong nakatumba sa lugar. 

Ayon kay PCpt. Jowel Golimlim, PIO ng Taguig CPS, kinompronta ng biktima ang suspek matapos malaman na natumba rin ang motorsiklo ng kanyang pamangkin.

“Bale kinompronta po ng ating biktima ang ating suspek na bakit ganun ang ganiwa, parang pinagtripan ba niya o pinagtutumba yung mga motor na nandun,” sabi ni Golimlim.  

Nagkainitan umano ang dalawa hanggang sa bumalik ang suspek sa kanyang puting Subaru at kumuha ng baril.

Ayon sa pulisya, pinaputukan umano ng suspek ang biktima.

“Tumama po to sa semento po at ang ating biktima ay nagkasugat sa paa... ang ating suspek po ay agarang tumakas then may nag-report na po sa ating Sub-Station 11,” dagdag ni Golimlim.  

Wala namang maipakitang kaukulang papeles sa baril ang suspek. 

Tatlong kabataan sa viral na pagbabanta umano ng pamamaril, natunton sa Sultan Kudarat

Lumalabas din sa imbestigasyon na dati nang naiulat sa barangay ang suspek kaugnay ng umano’y panunutok ng baril.

Isinailalim naman sa crime scene processing ng Southern Police District Forensic Unit–Scene of the Crime Operations ang lugar. 

Nagpapagaling na sa ospital ang biktima.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at attempted murder.

Nasa kustodiya na siya ng Taguig City Police habang inihahanda ang kaukulang kaso.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.