← Back to Home
Lisensya ng driver na nag-video at komento sa sumemplang na rider, binawi ng LTO

Lisensya ng driver na nag-video at komento sa sumemplang na rider, binawi ng LTO

Ayon sa LTO, lumabag si Ferdinand Winston Roxas, sa batas trapiko sa paggamit ng kanyang mobile phone habang nagmamaneho, bagay na maaring maging dahilan para sa isa pang aksidente.

🕒 10/5/2026, 7:29:26 AM•242 words•EN

ABS-CBN News

#Land Transportation Office#EDSA#Caloocan

MANILA — Binawi na ng Land Transportation Office ang lisensiya ng isang driver na nag-rekord ng video ng isang sumemplang ne motorcycle rider at nag-komento na sayang at hindi ito namatay. 

Ayon sa LTO, lumabag si Ferdinand Winston Roxas, sa batas trapiko sa paggamit ng kanyang mobile phone habang nagmamaneho, bagay na maaring maging dahilan para sa isa pang aksidente.

Viral driver na nagkomento sa sumemplang na rider, humarap sa LTO

Ipinatawag ng LTO si Roxas dahil sa video. Sinuspinde rin ng opisina ang kanyang lisensya.

Pagkatapos ng pagdinig noong Oktubre 2,hinatulan ng LTO si Roxas na lumabag sa Anti-Distracted Driving Act sa ginawa niyang pagbagal sa kalye at pag-rekord ng video habang nagmamaneho. 

Napag-alaman din ng LTO na may nauna na siyang traffic violation sa local government unit para sa pagka-counterflow.



Idineklara ng LTO si Roxas na isang Improper Person to Operate a Motor Vehicle at binawian ito ng lisensya.

Driver na nagvideo, nagkomento sa sumemplang na rider, suspendido ang lisensya

"Hindi biro ang isang insidenteng may nasaktan o nalagay sa panganib, kaya hindi dapat balewalain ang anumang kilos ng motorista na maaaring magdulot ng panganib sa kalsada," ani LTO chief Markus Lacanilao sa isang pahayag.

Sa panayam sa ABS-CBN News noong Setyembre, sinabi nito na nadala siya ng emosyon kaya niya nasabi na sana namatay na lang ang rider na sumemplang dahil sa lubak sa kalye.

"Sinabi kong sayang dahil naiinis ako eh. Dahil nasayang ‘yong oras ko sa kaniya," aniya.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.