← Back to Home
Motorsiklo sa pananambang sa Makati, narekober

Motorsiklo sa pananambang sa Makati, narekober

Narekober ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang motorsiklong ginamit umano ng mga suspek sa pananambang sa isang babae sa Makati City.

πŸ•’ 9/25/2026, 9:10:12 AMβ€’419 wordsβ€’EN
Karen De Guzman

Karen De Guzman

Karen De Guzman is an ABS-CBN News multiplatform reporter covering crimes, disasters, and diverse stories. A UP Diliman cum laude graduate, she’s a Phi Kappa Phi member, 20/20 Merit Awardee, and a 2023 Asia Pacific Journalism Institute Fellow.

#crime#CCTV#Makati City

MANILA — Narekober ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang motorsiklong ginamit umano ng mga suspek sa pananambang sa isang babae sa Makati City. 

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office chief P/Col. Allen Rae Co, bumuo ang SPD ng isang Special Investigation Task Group (SITG) para tutukan ang kaso.

Sinabi ni Co na natunton ng mga pulis ang motorsiklo sa isang lugar sa Metro Manila matapos ang backtracking at forward tracking sa mga CCTV footage. 

Riding-in-tandem suspects caught on CCTV before fatal ambush Quezon City

“It has been confirmed na ito po ‘yung mismo motorcycle. Ito po ay nakuha natin sa ginawang back and forward tracking ng ating mga investigators at confirmed na ito na po ‘yung mismo motorcycle na ginamit,” sabi ni Co. 

Sinabi rin ng PNP na tugma ang plate number ng narekober na motorsiklo sa plate number na nakita sa mga CCTV footage noong araw ng insidente.

Gayunman, may nakikitang discrepancy sa pagkakakabit at registration ng plaka kaya patuloy itong bineberipika ng mga awtoridad 

“Pero the same motorcycle, this model. Tinitingnan pa po nating mabuti, this could have been transferred to another motorcycle. This could be registered to another different motorcycle po. Pero during the commission of the crime, ito po ‘yung motor ng model na ‘to at ‘yung plaka na ‘yun ang nakakabit,” sabi ni Co. 

Bukod sa motorsiklo, nakarekober din ng mga awtoridad ang iba pang ebidensyang posibleng direktang may ugnay sa pananambang.

“Tinitingnan po natin kung ito ‘yung mismong one of the garments na ‘yung damit po na pwedeng ginamit during the crime scene,” sabi ni Co.  

Nauna nang sinabi ng pulisya na ang suot ng isa sa mga suspek ay damit ng isang ride-hailing app. 

Bahagi rin ng imbestigasyon ng SITG ang pagtatanong sa mga residente sa lugar kung saan ito natagpuan, para makakuha ng impormasyon na maaaring makatulong sa pagtukoy sa mga suspek.

Caught in the crossfire: Family believes slain driver was not intended target

“Pina-process po natin ‘yung scene kung saan narekober ‘tong motorsiklo na ito. All evidence that will be gathered there will form part ng ating complete investigation that will be conducted,” sabi ni Co.

Ayon kay Co, hindi rin nila sinasara ang ibang posibleng anggulo sa imbestigasyon, bagama’t sinisilip na nila na may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang motibo sa pananambang. 

Nanawagan ang PNP sa publiko na magbigay ng impormasyon na makatutulong sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.

Samantala, stable na ang kondisyon ng biktima na nananatili pa ring naka-confine sa ospital.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

Β© 2026 Cheezmis. All rights reserved.