Tatlo patay, kabilang ang isang bata, sa operasyon ng pulisya sa Zamboanga. Screenshot mula sa contributed video
ZAMBOANGA CITY — Tatlo ang patay, kabilang ang isang bata, sa operasyon ng pulisya sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City nitong Huwebes ng madaling-araw.
Ayon sa tagapagsalita ng Police Regional Office-9 na si Police Maj. Shellamie Chang, naghain sila ng warrant of arrest laban kay Saddam Siddick na isa umanong miyembro ng Dawlah Islamiya-Abu Sayyaf Group sa Basilan at suspek sa kasong pagpatay.
PNP eyes local terrorist group behind Shariff Aguak ambush
Ala-1 ng madaling-araw nang tumungo sa Sitio Alas-as sa Barangay Sinunuc ang mga operatiba ng Mindanao Area Police Intelligence Office at 9th Intelligence and Security Unit ng Philippine Army at iba pang mga operatiba.
Nagpakilala umano ang mga pulis sa nagbukas sa kanila ng pinto, pero may bigla umanong nagpaputok sa mga tropa ng gobyerno.
Ayon kay Chang, gumanti ang mga operatiba na nagresulta ng ilang minutong putukan.
Nang humupa ang sitwasyon, natagpuang patay sa loob ng bahay ang tatlong tao, kabilang ang isang bata.
Narekober din umano ng mga pulis ang isang M16 rifle at isang granada sa bahay ng mga biktima.
Lolo patay matapos pagsasaksakin ng misis na senior citizen din
Naniniwala naman ang mga kaanak ng mga biktima na itinanim lamang ang armas at granada sa bahay ng mga biktima.
Ayon kay Chang, nakasuot ng body camera ang mga operatiba at magiging bahagi ito ng imbestigasyon para matukoy kung nagkaroon ng pagkukulang ang mga pulis at sundalong bahagi ng operasyon.
IBA PANG MGA ULAT