← Back to Home
Jhong, pinandilatan ng mata si Kelsey sa Ansabe | It’s Showtime

Jhong, pinandilatan ng mata si Kelsey sa Ansabe | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 2/21/2025, 4:41:21 AM•689 words•EN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta

Pa-intense nang pa-intense ang hulaan at bardagulan sa ‘ANSABE.’ Mas nagiging competitive na ang Showtime family! Dahil ang talunan, mapaparusahan sa lusutan. Pero simula pa lang ay nega na ang na-vibes ni Vice Ganda. Ang first word ba naman ng kanilang grupo: kalbo. At perfect kalbo nga, as in zero ang score ng Team Vice with Ogie Alcasid, Lassy, Jackie Gonzaga, at Argus.  

Sa isang puntos lang, parang ‘sumakses’ na ang feeling ng team nina Vhong Navarro, Ion Perez, Cianne Dominguez, Jannah Chua ng ‘Showtime Online U,’ Kulot at Buli-Lip reader Jaze.  

Pero totoo nga ang himala. Dahil nag-struggle man sa simula, naka-two points pa rin ang grupo ni Jhong Hilario, with Ryan Bang, Kim Chiu, Ayesha, MC, at Buli-Lip reader, Kelsey. 

Mahaba-habang lusutan ‘to! Napapadalas nga ang paglusot ni Vice Ganda, kaya siguro kung anu-ano na ang nakikita. May gagamba?!  

At, may mga espesyal na bisita! Nakasama ng ‘Showtime’ family sina Camille Prats, Katrina Halili, and Shayne Sava, na nag-sample pa.  

Temperature is rising dahil sa mga binibini na nagpakita ng ganda, kaseksihan, at galing sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’  

From Sorsogon to Sexy Babe, ready to slay si Rica, na ipinagmalaki ang kan’yang probinsya. At dahil advocacy niya ang agrikultura, nauwi sa usapang gulay at halaman ang kwentuhan. Hirit ni Vice Ganda, ang tagalog ng celery ay sweldo. Ikaw, may gulay joke ka bang ibabato? At kung magtatanim sila ng buto, ano ang itatanim nina Vice at Rica? Very dedicated si Rica sa kan’yang advocacy, kaya ang mga hosts, natulala na lang sa kan’yang mga sinabi.  

Kung agriculture ang kay Rica, English naman ang strength ni Claire, ang ESL teacher at call center agent from Malolos, Bulacan. Dahil d’yan, na-on the spot si Meme tungkol sa alamat ng Malolos. Bow.  

Mainit din ang pasiklaban ng dalawang binibini sa talent portion. Si Rica, tinour ang Madlang People sa kan’yang beloved Sorsogon. Si Claire, nag-prepare ng isang song number. Sa Q&A naman, ang hinarap nilang katanungan ay kung paano nagiging unforgettable ang isang babae, at isang lalaki.  

Joining Chie Filomeno and Max Collins sa mga upuan ng Sexy AuthoriTEAM, walang iba kundi si Mavy Legaspi. Ngayon ay hurado siya, pero soon, ang magiging task niya ay samahan si Kuya. Ipinakilala si Mavy bilang bagong tropa ni Kuya at host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Malapit nang magbukas muli ang Bahay Ni Kuya, pero sina Mavy at co-host n’yang si Kim, dito sa ‘It’s Showtime’ muna nagkita at may patikim na banter ang dalawa!  

Nagbabalik sa noontime si Marvin Agustin, pero this time, bilang TagaHula sa Hide and Sing.  

Sa Round 1, na-sense ni Marvin ang pagpapanggap ng mga TagoKanta. Parang may itinatagong boses na ayaw ipahalata. To the rescue ang mga TagoGulo, na tinanong ang mga mystery singers kung may ‘history’ ba sila sa isang taga-Showtime. Juicy! At dahil naman sa tanong ni Kim kung mahilig sila sa paru-paro, MarJo fans ay tiyak nag-delulu. Si Jolina Magdangal ba ang celebrity singer na nagtatago? 

Madlang People ay mas kinilig nang sabihin ni Marvin na si Jolina ang OPM singer na lagi n’yang naririnig.  

Nahirapan si Marvin at ang kan’yang madlang partner. Pero matapos ang Round 2 o solo performances, pinili nila si TagoKanta at ang hula nila’y Rachelle Ann Go. Isang big surprise ang big reveal part dahil ang mystery celebrity singer pala of the day ay walang iba kundi ang kumanta ng “Tell Me” na si Joey Albert.  

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.