Kung cold si crush, huwag agad ma-sad. Dito naman sa "It's Showtime," good vibes ay sagad. Warm ang samahan pero kung host ay waley, palitan na 'yan!
At ang kandidata na mabagal sa pindutan at waley sa talakan, siya naman ang uuwing luhaan. Buti na lang palaban at ginalingan nina "Miss Q and A" JC Ibale, Anxji Rose, at Bon Joey Trinidad.
Habang kinikilala ng hosts ang tatlong ladies, pagandahan din sila ng mga joke entries. Ang starting lineup ay sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro, pero 'di nagtagal, si Vhong ang unang napatalsik dahil sa joke niyang not-so matinik. First substitution of the day!
Chance na rin ito ng ibang hosts na sumabak sa "Miss Q and A." Maya-maya pa, nasubok naman ang husay ni Teddy Corpuz. Pero hindi pa man nagsisimula ang banter, parang may "issue" detected agad. Biro ni Meme, huwag gumigilid-glid si Teddy dahil baka magreklamo ito sa blocking, tapos ang netizens umariba na naman sa bashing.
Back to the pageant, unang pumaslak sa next round si JC, habang sina Anxji at Bon Joey ay nagbangayan tungkol sa "eulogy." Kaloka, mga teh! Pero pagkatapos ng mahabang diskusyon, si Bon Joey ang umabante sa Wit Lang at tumalak sa harap ng buong nation.
Sa Wit Lang, laughtrip ang "loading" moment ni JC nang sagutin niya ang tanong na, "Kung sa relasyon ay hindi mo nakikita ang red flags, color blind ka ba?" Kung gaano kalaro si JC, serious mode naman si Bon Joey as she took on the question, "Pwede mo bang takbuhin ang walking distance?"
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
