← Back to Home
NAASIMAN SIYA! Brent, tinapatan ang joke ni 'Escort' Ralph | It’s Showtime

NAASIMAN SIYA! Brent, tinapatan ang joke ni 'Escort' Ralph | It’s Showtime

NAASIMAN SIYA! Brent, tinapatan ang joke ni 'Escort' Ralph | It’s Showtime

🕒 10/1/2026, 7:05:59 AM•290 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeOctoberNa#Miss Q and A#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Darren Espanto#Ralph de Leon#Brent Manalo

Unang araw ng buwan ng Oktubre, kaya fresh start ang ating peg. O, sa mga iniwan ng mahal nila, mag-move on na at huwag nang mag-beg. Simulan na lang ang next page at say goodbye sa rage. Makitawa na lang dahil October wantusawa ang good vibes sa "It's Showtime."  

Sa unang araw ng Oktubre, entertainment ay libre at sagot 'yan ng mga beki na palaban sa "Miss Q and A." Walang aatrasan sa talakan sina Jouji Medina, Jane Esrolora, at Ayesa Pido Quilang. 

Biro ni Vice Ganda, sakto sa BER months, 'Santa Claus 'scamming' to town' daw ang bagay na kanta para kay Jouji at sa jowa nito dahil parang hindi tugma ang mga kuwento. Si Jane naman, very Barbie ang awrahan kaya pinarampa ni Meme sa harapan. Action star na nag-transition naman ang dating ni Ayesa sa paningin ni Vice Ganda, at ang boses daw nito para bang tunog tsismosa.  

Araw ito nina Ayesa at Jouji dahil sila ang umabante sa Wit Lang. Nag-loading man nang bahagya, naitawid pa rin ni Jane ang talak sa tanong na, "Saan dadaan si Santa Claus kung wala namang chimineya sa bahay n'yo?" Hindi naman sa nagmamaasim pero palaban ang chukchak ni Jouji sa tanong na, "Ikagagalit ba ng sinigang na mas maasim ka sa kan'ya?" 

Ang totoong naasiman, si hurado Brent Manalo, dahil sa joke ng kaibigan niyang escort, Ralph de Leon. Pinakitaan pa niya si Ralph kung paano bumitaw ng pangmalakasang joke. Naging escort of the day rin si Darren Espanto, and true to his branding, ang mga jokes ni Darren idinaan sa singing.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.