← Back to Home
Saklolo! Ryan Bang, humingi ng jokes sa Madlang People | It’s Showtime

Saklolo! Ryan Bang, humingi ng jokes sa Madlang People | It’s Showtime

Saklolo! Ryan Bang, humingi ng jokes sa Madlang People | It’s Showtime

🕒 9/26/2026, 7:23:48 AM•367 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeBeksaherada#Miss Q and A#Ryan Bang#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Ryan Bang jokes

Joke time muna para stress ay mawala. Isang malakas na tawa lang, makikita mo, parang bumata ka bigla! Kapag stress sa buhay ay para bang sunod-sunod ang dating, joke time na lang ang gawing treatment. Kung jokes ang hanap, marami n'yan si Ryan Bang!

Sa September 26 episode ng "It's Showtime," solo muna ng oppa bilang Escort na may dala ng bowl of questions para sa mga Miss Q and A candidates. Pero bago ang tanungan dapat may entry na joke si Ryan! Mukhang naubusan ang oppa na 'yan, kaya balita ni Vice Ganda, humingi na ng saklolo sa sambayanan. At good job sa mga nagpadala ng jokes nila kay Ryan, havey ang karamihan sa mga punchlines na kanyang binitawan.

Good job din sa mga kandidata na nag-face off sa weekly finals. Nagbabalik sina C-Jay Ubias Tablit, Basha Beatrice Raven, Kylie Prinsesa, Chan-Chan Sanzhez, at Cheesecake Sterling.

Ang unang rumampa na si C-Jay ang umuwing lotlot pagkatapos ng first round, samantalang ang natitirang apat ay sumabak sa Wit Lang. Nabunot ni Kylie ang tanong na, "Mahal ka ba talaga ng magulang mo kung tuwing may bisita lang nilalabas ang magagandang plato?"

Full of confidence rin ang talak ni Cheesecake sa tanong na, "Magagalit ka ba sa genie kung ang wish mo ay sumikat sa Tiktok pero ang dinig niya maging Talaki-talk?" Pati hosts ay naaliw rin sa nabunot na tanong ni Basha, "Kung ikaw si Sadako, saan ka pa lalabas kung lahat ng tao naka-cellphone na?" Madlang People naman ang naki-react sa talak ni Chan-Chan sa tanong na, "Mas giginhawa ba ang buhay mo kung tatlo na ang butas ng ilong mo?"

Sina Basha at Chesecake ang hinirang na Top 2 ng mga hurado. Umabante sila sa Beklamation kung saan hinarap nila ang iisang katanugan, "Kung hindi natuloy ang kasal, kailangan bang ibalik ng babae ang singsing?" Parehong "no" ang sagot nila pero ang pagkakatalak ay magkaiba sa panlasa.

Sa huli, nanaig ang tamis ng chukchak ni Cheesecake, ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talaki-Talk of the week.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.