← Back to Home
Vice Ganda, hindi tinanggap ang SORRY ni Vhong! | It’s Showtime

Vice Ganda, hindi tinanggap ang SORRY ni Vhong! | It’s Showtime

Vice Ganda, hindi tinanggap ang SORRY ni Vhong! | It’s Showtime

🕒 9/24/2026, 5:52:04 AM•247 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeSigeKembot#Miss Q and A#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Pasko'y darating sa loob ng 92 days. Kaya feel na feel na ang saya't cheer in so many ways. At habang papalapit ang pinakamasayang holiday, "It's Showtime" ang maghahatid ng good vibes every day.

Sa "Miss Q and A," hindi sapat ang ganda lang ang puhunan. Dapat mabilis ang isip at matalas sa talakan. Meet our candidates for today's video—Anne Refol, Chan-Chan Sanchez, at Ashlynn Raven Manio.

Napansin ni Meme ang pagiging telegenic ni Anne. Pak na pak, plakado ang kagandahan! Si Ashlynn naman ay napagkamalang host ng ibang programa, pero mas napako ang atensyon ni Meme sa makeup look nito. May 'sabotage' nga bang nangyari? At best friend ni Ashlynn ang guilty?

Hindi naman kumpleto ang araw kung walang bardagulan na pagsasaluhan ang magkakaibigang Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario. Pero hinay-hinay lang sa puksaan, mahirap nang mapatawag ng kinauukulan. Kaya si Vhong, nag-sorry na lang bago pa humaba ang usapan!

Sina Chan-Chan at Ashlynn ang umabante sa Wit Lang round kung saan 'mukha' ang topic sa mga playtime na tanungan. Nabunot ni Chan-Chan, “Kung mukha kang paa, anong size ka?” Habang kay Anne naman, “Kung mukha kang bisugo, ilang kilo ka?”

Samantala, naaalala n'yo ba ang nawawalang tibok-tibok ni Vice Ganda sa pantry? Mukhang na-solve na ang mystery! Hindi n'yo aakalain, si Nicole Cordoves pala ang salarin!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.