← Back to Home
Vice Ganda, nanakawan sa Showtime pantry?! | It’s Showtime

Vice Ganda, nanakawan sa Showtime pantry?! | It’s Showtime

Rebelasyon ni Meme, may kumuha ng itinago niyang meryenda sa "It's Showtime" pantry. Biro niya, humanda na ang salarin dahil iche-check niya ang CCTV.

🕒 9/22/2026, 7:02:06 AM•222 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Miss Q&A#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime September 22 2026#Miss Q&A September 22 2026#

Sa Laro Laro Pick, puwede nang mangarap at puwedeng mag-take ng risk dahil malay mo ang swerte ay sa palad mo pala nakaukit. Laban na laban sa game arena ang tropa ng mga taga-Karuhatan, Valenzuela. Sila muna ngayon ang bida! 

Nakaramdam si Vice Ganda ng positivity habang nakikipagkuwentuhan kay player Al, na bagama't malungkot dahil haos araw-araw binabaha ang kanilang lugar, may dahilan pa rin siyang ngumiti dahil malapit na siyang ikasal.  

Kuwento pa ni Al, na isang kaminero, marami silang pinagdaanan ng nobya, katulad ng hirap na ma-earn ang approval ng mga magulang ng kanyang sinisinta. Kaya ngayon na malayo na ang kanilang narating matapos ipaglaban ang pag-ibig, wala nang atrasan, siguradong sigurado siya sa pagmamahal na kanyang natagpuan. 

Kung si Al ay nakahanap ng wagas na pag-ibig, si Vice Ganda naman may hinanap pero hindi nakita—ninakaw na pala?! Rebelasyon ni Meme, may kumuha ng itinago niyang meryenda sa "It's Showtime" pantry. Biro niya, humanda na ang salarin dahil iche-check niya ang CCTV. 

Nag-volunteer naman si Darren Espanto na papalitan niya ang nawawalang meryenda. Kaya si Meme ay may hinala. Hindi kaya act of guilt lang ito ni Darren dahil siya talaga ang salarin?! 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.