← Back to Home
Vice Ganda, minsan nang sumuko sa pag-ibig | It’s Showtime

Vice Ganda, minsan nang sumuko sa pag-ibig | It’s Showtime

Vice Ganda, minsan nang sumuko sa pag-ibig | It’s Showtime

🕒 9/19/2026, 5:25:47 AM•438 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeTalakch#Miss Q and A#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Sabado na, kaya goodbye muna sa stress at problemach. Dito sa "It's Showtime," much much talaga ang sayach! Lahat ng ganap ay bonggach kaya sabay-sabay tayong humalakhach.

Pagkatapos ng isang buong linggong bardagulan, today mas level up ang labanch dahil weekly finals na naman sa Mis Q and A. Na-stretch ang wit nina Ivanach, Jona Anong Ganap, Johanna Carla Alcantara Garcia, Billy Labitan Yadao, at Louie Baruelo Chua.

Bago ang talakan, time muna sa fun chikahan. Ang love life ng mga kandidata, napagkuwentuhan—may happily taken, may single, at mayroon ding no jowa since birth. Nabanggit ni Jona na long-term ang previous relationships niya, though hindi rin naging perfect, lalo na’t ang pinakamasakit na naranasan niya ay kapag ginagawa pa rin ng jowa ang mga bagay na alam nitong ikasasakit ng puso niya.

Pero tumatagal ang mga relasyon niya dahil siya ang tipo na hangga’t kaya, magtitiis at uunawa nang paulit-ulit. Agree dito si Vice Ganda, saying na karamihan sa mga beki na tulad nila ay iniingatan nang todo ang relasyon dahil pakiramdam nila, once in a blue moon lang na may pipili at mananatili sa kanila nang buo.

Maging si Meme Vice ay minsan na ring sumuko sa pag-ibig dahil pakiramdam niya ay hindi siya ang tipong pinipili, pero ngayon, happy na siya with Ion Perez—at ang love story nila, inspirasyon ang dala sa LGBT community.

Back to the pageant, si Johanna ang unang naligwak, habang ang Top 4 ay sa Wit Lang round sumabak para sa salpukan ng wit na pakak. Kay Louie natapat ang tanong na, “Sa iyong palagay, lumalabo rin ba ang third eye habang tumatanda?” habang kay Jona naman, “Kung plantsa ka, magdadamdam ka ba na kailangan ka lang ’pag may gusot?”

Si Billy naman ang nakabunot sa tanong na “Kung item ka sa online shopping, magagalit ka ba na ina-add to cart ka pero hindi ka naman chine-checkout?” At si Ivanach, natawa sa tanong na napili niya pero serious mode ang accla, “Kung utot ka, sasama ba ang loob mo na walang gustong umako sa’yo?”

It's Ivanach versus Louie sa final round, Beklamation, kung saan nasubok ang kanilang paninindigan sa tanong na, "Okay lang ba na hindi imbitahin ng anak ang mga magulang niya sa kasal niya kung hindi naman sang-ayon ang mga ito sa pag-iibigan nila?"

Sagot nilang pareho ay "yes", pero magkaibang klase ng tamis. Sa dulo ng talakan, si Louie ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era TalakiTALK of the week!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.