← Back to Home
Miss Q&A Louie, may touching message sa idol niyang si Vice Ganda | It’s Showtime

Miss Q&A Louie, may touching message sa idol niyang si Vice Ganda | It’s Showtime

Miss Q&A Louie, may touching message sa idol niyang si Vice Ganda | It’s Showtime

🕒 9/18/2026, 5:56:45 AM•320 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#GaurShowtime#Miss Q and A#Vice Ganda#Ogie Alcasid#Vhong Navarro#Louie

Aminin mo... may crush kang pilit itinatago. Isang tingin lang niya, kinikilig ka na nang todo. Pero aminin mo rin, kahit anong gulo ng nangyayari sa paligid mo, iba talaga ang good vibes dito sa "It's Showtime," 'no?

Sa 'Miss Q and A' naman, talino at wit ang puhunan sa entablado para maputungan ng korona sa ulo. Sumabak sa talakan sina Louie Chua, isang breadwinner na sanay lumaban para sa pamilya; Klara Espedido, ang academic achiever na mahusay rin na manunulat, at Rubi Serenio, na pagme-makeup ang bread and butter.

Ang tatlong kandidata, lumiwanag ang mga mata nang masilayan ang idol nila, walang iba kund si Vice Ganda. Si Louie, hindi pinalampas ang pagkakataong makapagbigay ng mensahe ng pasasalamat kay Meme, “Thank you for lifting my personality and also encouraging me to keep pushing everyday.”

Maya-maya pa, mas kinilala nina Vice, Vhong Navarro at Ogie Alcasid ang mga kandidata. Si Klara, nagbahagi ng isang alamat na siya mismo ang sumulat, habang si Rubi naman ay game na sinipat ang mukha ni Ogie para alamin kung anong makeup look ang babagay rito.

Sa Tumpak Ganern round, si Rubi ang nalotlot sa laban habang sina Louie at Klara ang umabante sa Wit Lang para subukan kung sino ang mas may bitaw sa talakan.

Kay Louie napunta ang tanong na, “Sa iyong palagay, anong mas ayaw ng sibuyas—’yung may napaiyak siya o may napaiyak sa kanya?” Samantala, ang nabunot naman ni Klara, “Ano ang nararamdaman ng straw na lahat sumisipsip sa kanya?”

Kung smooth lang ang chukchakan sa umpisa, mukhang sina Vice at Vhong naman ang 'nagkapikunan.' Ang simpleng asaran, nauwi sa 'misunderstanding' on air, kaya hirit ni Meme, parang kultura na nilang magkakaibigan ang harapang trayduran. Taas-kamay kung nag-e-enjoy rin kayo sa ga ganitong bardagulan!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.