Tanghaling tapat, ang good vibes sa "It's Showtime" ay sapat at sumisikat. Pwede nang mangarap lalo na kung puno ng positivity ang heart.
Positive ang heart, pero dapat mabilis din ang isip dahil sa Miss Q and A, hindi sapat ang confidence at ganda kundi kailangan din ng wit. Nagpakitang-gilas sa talakan sina Tinderella Marie, C-Jay Ubias Tablit, at Serenity Winter.
Para bang na-manifest ni Tinderella ang sariling pagkalotlot dahil nagkatotoo ang sinabi niyang excited siyang “tumalot.” Siya nga ang unang naligwak matapos maunahan ng mga kalaban sa pindutan at sagutan sa Tumpak Ganern round.
Sina Serenity at C-Jay naman ang nag-face off sa Wit Lang, kung saan muling nasubok ang kanilang husay sa pagsagot sa playtime questions. Nabunot ni Serenity ang tanong na, “Anong gagawin mo kung langgam ka pero nilagay ka sa lalagyan ng asin?” habang si C-Jay naman ay nilaro ang tanong na, “Papayag ka ba na muse ka pero wala namang liga?”
Umulan naman ng kilig at hiyawan sa studio sa pagpasok ng bagong duo na may hawak ng bowl of questions. Sina Brent Manalo at Ralph de Leon muna ang escorts for today. Para patunayan na deserve nila ang posisyon, daanin sa joke time ang audition.
Buti nila kakampi nila ang Madlang People, na pinakausapan ng Gen Z crushies. Sana tumawa na lang daw ang lahat kahit jokes nila ay waley. At kung ang punchline ay hindi masyadong pasado sa panlasa ni Vice Ganda, daanin na lang face card at papogian ang laban.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
