Sa slambook noon, favorites ang madalas na itanong. Tapos i-reveal ang crush at mag-iwan ng dedication. Ang feelings, huwag kimkimin kasi malay mo, si crush kiligin din. Kilig-kiligan ang chikahan sa Miss Q and A segment ng "It's Showtime."
Ang mga sagot ng kandidata, siguradong pag-uusapan dahil sa Miss Q and A, intense na naman ang talakan. Bagay sa korona ang pangalan ng mga kandidatang sina Kylie Prinsesa at Princess Vajar. Pero si Candidate #3 na naiiba, Noriel Rodriguez Nabing, feeling daw niya siya ang wicked stepsister.
Itinaas ng mga ‘accla’ ang kanilang bandera as they proudly shared na malaya nilang nagagawa ang mga bagay na limitado sa mga ‘beki’ noon. Ang isang simpleng halimbawa na nabanggit ni Vice Ganda, ang mga beki raw noon ay expected na matutunan ang larong basketball, na kilala bilang sports na panlalaki. Pero ang mga beki ngayon, nakakapili na ng sports na gusto nila. Kaya na-open up ni Meme Vice ang 'unsettled grief' ng mga bakla noon.
Lighthearted kuwentuhan din ang pinagsaluhan ng mga Miss Q and A at "It's Showtime" hosts nang mabanggit ng isang kandidata ang lovelife niya. Binalikan ng "It's Showtime" family ang kanilang mga first love at old-school ways para magpapansin kay crush.
Si Ion Perez, 12 years old lang daw nang magka-puppy love at inukit pa ang mga pangalan nila sa isang puno. Kaya naman si Vice Ganda, affected sa revelation ng 'babe' niya. Biro ni Meme, ipapa-hunting niya ang first love ni Ion.
Kayo, Madlang People, anong naaalala n'yo sa first love n'yo?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
