← Back to Home
Havey! Brent, ginawang ‘joke time’ si Ogie Alcasid | It’s Showtime

Havey! Brent, ginawang ‘joke time’ si Ogie Alcasid | It’s Showtime

At kahit balik-hurado na si Brent, hindi naka-leave ang mga jokes niya. Ang entry niya today, “Sinong host ang sakitin?” Eh, di si Ogie Inacid! Nge!

🕒 9/22/2026, 7:18:18 AM•187 words•EN

Liezel Dela Cruz

#Brent Manalo#Ogie Alcasid#It's Showtime#Miss Q&A#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick September 22 2026#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime September 22 2026#Miss Q&A September 22 2026

Itaas ang energy, sabayan ang ingay ng buhay. Stop na muna sa pagiging tahimik sa 'gedli' tapos sabayan ang pagbuhos ng good vibes, beshie. Sa "It's Showtime," bawal ang nakasimangot at malungkot dahil ang happiness ay hindi ipagdadamot. 

Itaas din ang bandera ng mga 'accla' sa pagpasok ng tatlong kandidata na may wit at personality na havey sa Miss Q and A. Nagpakawala ng matinding talak sina Basha Beatrice Raven, Baby Darss, at Ava Garcia. 

Si Basha, napagkamalan pang host ng ibang programa! Maya-maya pa naging 'serye' na nga ang mga eksena nang sumabak ang mga kandidata sa isang masayang aktingan with Vhong Navarro.  

Nagbabalik sa kanilang trono bilang escorts ang mag-‘daddy’ duo na sina Ion Perez at Ryan Bang, reclaiming their puwesto matapos muntik nang maagaw nina Ralph de Leon at Brent Manalo. 

At kahit balik-hurado na si Brent, hindi naka-leave ang mga jokes niya. Ang entry niya today, “Sinong host ang sakitin?” Eh, di si Ogie Inacid! Nge! 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.