← Back to Home
OPPA! Ryan, nagpakilig na parang KDrama leading man | It’s Showtime

OPPA! Ryan, nagpakilig na parang KDrama leading man | It’s Showtime

OPPA! Ryan, nagpakilig na parang KDrama leading man | It’s Showtime

🕒 9/25/2026, 6:45:20 AM•235 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeHAHAHA#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Ryan Bang#Amy Perez#Ogie Alcasid#Jackie Gonzaga

Buhay pa ba ’yang puso mo, o manhid na sa pakiramdam? Pero kapag si crush ang lumapit, baka biglang bumilis ang pintig niyan! Kaya kung tatanungin ka kung kaya pa bang magmahal nang tunay, gayahin ang sagot ni Ryan Bang, "Buhay na buhay!" 

 Sa Laro Laro Pick ng "It's Showtime," nursing students mula NCR ang ating nakasama. Magaling silang mag-alaga ng pasyente, kaya for sure, ang puso n'yo ay mapapatibok nila.  

 Napansin agad ni Vice Ganda ang charm ni player Ella, sabay ipinantapat ang equally cute na 'naka-naka' niyang si Ryan, na kapag nag-flex ng chinito smile, ay, kikiligin ka talaga dhai! 

Lalo na kapag umatake ng linyahan in Korean, ibang Ryan ang lumilitaw, parang leading man na sa screen mo lang natatanaw. Vice asked him to deliver a line na pang K-drama, sabay tanong kung buhay pa ba ang puso nito para makaramdam ng romantic emotions. Sagot ni Ryan, "Buhay na buhay!" Kaya sa mga mahilig sa oppa, heto na ang Koreanong sa puso n'yo ay magpapahimlay! 

 Samantala, back to the game, pati sina Julia Barreto at Joshua Garcia, naki-join sa aktingan. Si nursing student Jess naman ang umabante sa jackpot round. Mapapataas kaya niya ang “vital signs” ng swerte para maiuwi niya ang P300,000 POT money? 

 Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.