← Back to Home
BrenDalaw! BANG Ganda! Mga 'beki' names ng Showtime hosts

BrenDalaw! BANG Ganda! Mga 'beki' names ng Showtime hosts

BrenDalaw! BANG Ganda! Mga 'beki' names ng Showtime hosts

πŸ•’ 9/30/2026, 6:29:34 AMβ€’251 wordsβ€’EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeSeptemberEnds#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#beki names

Huling araw na ng September, ang bilis talaga ng panahon. Pero sa "It's Showtime," walang ending ang tawanan at good vibes noon at ngayon. Buwan man ay magpapalit pero ang love ng Showtime family para sa Madlang People, hindi mawawaglit.

Huwag ubusin ang wit, dapat laging may reserba lalo na kung sa 'Miss Q and A' ka eeksena. Pak na pak na palakpakan ang sumalubong kina Mariposa Jem Lacsina, Affarah Deur, at Curevedilol Filipinas Galore as they walked the runway and left the crowd wanting more.

Dahil kakaiba mga pangalan ng mga kandidata, na-curious si Vice Ganda at inalam ang kuwento sa likod ng mga ito. Ang Mariposa, simbolo ng pag-glow and spreading her wings; samantalang ang Curevedilol, sinadyang maging tunog gamot. At si Candidate 2, bininyagan ang sarili bilang Affarah Deur when she came out of the closet.

Kung ang "It's Showtime" family naman ang papipiliin, ano ng gusto nilang maging 'beki' name? Vhongga ang unang naisip ni Vhong Navarro, pero maya-maya ay nakaisip siya ng bago... Flooda Controlla. Para tunog 'yayamanin,' 'di ba?

Nakaka-alta rin ang Olga Magallanes na alyas ni Ogie Alcasid. Pero kung yaman lang din ang tema, pasok ang Patricia Nakaahon Sa Hirap ni Jackie Gonzaga. Si Ryan Bang, pasabog ang moniker na Bang Ganda. At dahil ligawin siya kung naging ‘ebabab,’ BrenDalaw ang magiging titulo ni Brent Manalo.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

Β© 2026 Cheezmis. All rights reserved.