← Back to Home

Taxi driver na naningil ng P200/km sa PWD, bawal nang kumuha ng lisensya

Ipinagbawal na ng Land Transportation Office (LTO) ang colorum taxi driver na kumuha ng lisensya matapos maningil ng P200 kada kilometro sa isang person with disability (PWD).

🕒 10/6/2026, 4:55:54 AM•199 words•EN

ABS-CBN News

#Land Transportation Office#taxi driver#Perpetual Revocation

The Land Transportation Office headquarters in Quezon City on February 6, 2025. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MANILA — Ipinagbawal na ng Land Transportation Office ang colorum taxi driver na kumuha pa uli ng lisensya matapos nitong maningil ng P200 kada kilometro sa isang person with disability (PWD). 

Nagsimula ang imbestigasyon ng LTO sa insidente matapos i-report ng magulang ng pasahero ang insidente ng overcharging. 

Ayon sa ulat, nang malaman ng pasahero na P200 kada kilometro ang sinisingil sa kanya, hiniling niyang ibaba na lamang siya sa isang gasolinahan at naghanap ng ibang paraan upang makauwi.

Napatunayan sa imbestigasyong isinagawa ng LTO na expired ang lisensyang ginamit ng driver sa pamamasada. Nakita rin na peke ang pagkakakilanlan at lisensyang ginamit niya. 

LTO summons taxi driver, operator for allegedly charging PWD P200/km fare



Nahaharap ang driver sa mga alegasyong Overcharging of Fare at paglabag sa Duty to Have License. 

Idineklara siya ng LTO bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na nagresulta sa tuluyang pagbabawal na magkaroon ng lisensya. 

Nananatili namang nasa alarm status ang ginamit na taxi bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaukulang aksyon ng LTO. 

Show-cause order issued to driver, owner of car that blocked fire truck


RELATED VIDEO:


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.