← Back to Home
Vendor sinaksak sa Cubao, Quezon City

Vendor sinaksak sa Cubao, Quezon City

Isang 41-anyos na vendor ang isinugod sa ospital matapos umanong saksakin ng isang lalaki na dati na niyang nakaalitan sa Barangay B. L. Crame, Quezon City, dakong alas-5 ng hapon nitong Huwebes, Setyembre 24, ayon sa Quezon City Police District.

🕒 9/24/2026, 11:46:43 AM•200 words•EN
Jeff Caparas

Jeff Caparas

Jeff Caparas, an ABS-CBN News reporter with 12+ years of experience, covers crime and national security. Host of Philippines’ Most Shocking Stories and DZMM’s Spot Report, he’s a DLSU-Dasmariñas graduate and a UP Jaena Journalism Workshop fellow.

#saksak#Cubao#Quezon City

MAYNILA — Isang 41-anyos na vendor ang isinugod sa ospital matapos umanong saksakin ng isang lalaki na dati na niyang nakaalitan sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City, dakong alas-5 ng hapon nitong Huwebes, Setyembre 24, ayon sa Quezon City Police District.

Kinilala ng QCPD ang biktima sa alyas na “Joseph,” residente ng barangay. Samantala, ang suspek ay kinilala sa alyas na “Mark,” isang tubong Nueva Ecija.

Batay sa imbestigasyon ng Cubao Police Station 7, nagkaroon na umano ng alitan ang biktima at suspek na dati nang naayos sa barangay.

Nangyari ang insidente habang naglalako umano ng pinya ang biktima sa EDSA malapit sa kanto ng North Road.

Ayon sa pulisya, bigla umano siyang sinaksak ng suspek gamit ang kutsilyo at iniwan ang patalim na nakabaon sa katawan ng biktima bago tumakas patungo sa hindi pa matukoy na direksiyon.

Isinumbong ng mga nakasaksi ang insidente sa pulisya. Agad na rumesponde ang mga mobile patroller at Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) at dinala ang biktima sa PNP General Hospital sa Camp Crame para sa agarang lunas.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakaaresto sa suspek at pagsasampa ng kaukulang reklamo.

College student sinaksak sa C3, Caloocan


RELATED VIDEO:

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.