← Back to Home

Binatang naliligo sa ilog sa QC hinihinalang nabagok kaya nalunod

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng nabagok ang ulo ng biktima habang naliligo sa ilog na sakop ng Sitio Bakal, na naging dahilan upang mawalan ito ng malay at malunod.

🕒 9/24/2026, 11:54:45 PM•174 words•EN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#patay#nalunod#ilog#barangay bagong silangan#barangay barangka#quezon city#marikina#lalaki

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng nabagok ang ulo ng biktima habang naliligo sa ilog na sakop ng Sitio Bakal, na naging dahilan upang mawalan ito ng malay at malunod. Courtesy: Marikina CPS via  Christopher Sitson

MAYNILA — Natagpuang wala nang buhay sa Marikina River ang isang 18-anyos na lalaki noong Miyerkules ng gabi, Setyembre 23, matapos malunod habang naliligo sa isang ilog sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City noong Setyembre 22.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng nabagok ang ulo ng biktima habang naliligo sa ilog na sakop ng Sitio Bakal, na naging dahilan upang mawalan ito ng malay at malunod.

Bigo nang matagpuang buhay ang biktima sa kabila ng agarang pagresponde at pagsisikap ng rescue team ng barangay, Bureau of Fire Protection (BFP), at ilang residente na mailigtas ito.

Narekober ang kanyang labi kinabukasan sa bahagi ng ilog na sakop na ng Barangay Barangka, Marikina.

Dinala na sa punerarya ang labi ng biktima, kung saan pormal na rin itong kinilala ng kanyang mga kaanak sa tulong ng mga awtoridad.


          

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.