← Back to Home
Residential area sa Malate, Maynila, nasunog; 30 pamilya, nawalan ng bahay

Residential area sa Malate, Maynila, nasunog; 30 pamilya, nawalan ng bahay

Hindi bababa sa apat na bahay ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Bgy. 704, Adriatico Street sa Malate, Maynila pasado alas-11 ng umaga, ngayong Linggo, Setyembre 27.

🕒 9/27/2026, 8:08:08 AM•241 words•EN
Jessie Cruzat

Jessie Cruzat

Jessie Cruzat is a multiplaform journalist for ABS-CBN News, covering Metro beats like crime and security. He currently hosts Philippines’ Most Shocking Stories. This former DJ started in Naga City radio and holds a Secondary Education degree in English.

#Sunog#Malate#Maynila#residential

Hindi bababa sa apat na bahay ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Bgy. 704, Adriatico Street sa Malate, Maynila pasado alas-11 ng umaga, ngayong Linggo, Setyembre 27. 

Ayon sa mga residente, isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig bago ang sunog.

“Hindi ko mawari kung ano ang nag-explode pero malakas talaga siya. Tapos after no’n lumiyab na, palakas na,” saad ng residenteng si Sharmela Recente. 

Mahigit P30-M pinsala naitala sa nasunog na commercial building sa Parañaque

Itinaas ang sunog sunog sa unang alarma kung saan hindi bababa sa walong truck ng bumbero ang rumesponde.

Isang residente naman ang nakagat ng  alagang aso habang inililikas sa sunog.

Ayon sa 48 anyos na si Marissa Delicana, hindi niya kayang iwan ang mga alaga kahit nagmamadali sila sa paglikas dahil pamilya na ang turing nila sa mga ito. 

“Kahit nakagat ako, okay lang. Parang anak na rin namin yan e. Magsisimula ulit sa simula,” saad ni Delicana.

Nakatakda siyang magpaturok ng anti-rabies pagkatapos maisaayos ang mga naisalbang gamit. 

Idineklara ang fire out ng 12:16 p.m.

Gusali sa industrial park sa Calamba, nasunog  

“Kanina meron kaming hinahanap na bata na naiwan daw sa loob ng bahay pero nakita na no’ng nanay. Aasikasuhin natin ang temporary na paglalagakan ng mga apektado ng sunog,” saad ni Barangay Chairman Guillermo Freira. 

Nasa 30 pamilya ang nawalan ng bahay.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy na inaalam ng Manila Fire District ang pinagmulan ng sunog.

 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.