← Back to Home

Dalawang grupo ng kabataan nagrambulan sa Maynila

Nakuhanan sa CCTV ang rambulan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa bahagi ng Ortega court sa Barangay 737 noong Martes, September 29.

🕒 9/29/2026, 11:16:35 PM•329 words•EN
Bea Cuadra

Bea Cuadra

Bea Cuadra is a multiplatform reporter for ABS-CBN News focusing on police and crime beat stories. A Summa Cum Laude graduate of Assumption College, she has previously worked as a news monitoring and desk officer for the Integrated News and Current Affairs Division.

#Riot#Menor de edad#Lalaki#Malate#Manila

Nakuhanan sa CCTV ang rambulan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa bahagi ng Ortega court sa Barangay 737 noong Martes, September 29. Courtesy: Bgy. 737

MAYNILA — Nakuhanan sa CCTV ang rambulan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa bahagi ng Ortega court sa Barangay 737 pasado 2:00 ng hapon noong Martes, September 29.

Ayon sa awtoridad mula sa katabing barangay 736 at 735 ang nag-away na grupo.

Sa kuha ng CCTV, unang nakita ang dalawang binatilyong residente ng Barangay 736 na tumambay sa mga bisikleta sa kanang bahagi ng kalsada.

May dalawang kabataang residente naman ng Barangay 735 ang dumating at bigla na lang nagsuntukan at naghabulan ang grupo.

Maya-maya pa, sumali na sa suntukan ang isang lalaki na tatay umano ng isang binatilyong taga Barangay 735.

Dumating din ang isang lalaking  kakilala umano ng mga taga barangay 736 at pinuntirya ang tatay ng taga Barangay 735.

Nagtagal nang ilang  minuto ang rambulan na natigil lang matapos pumagitna ang mga opisyal ng Barangay 737. 

Isang menor de edad na  residente ng Barangay 736 ang nagtamo ng sugat matapos umanong masapak sa nguso ng tatay ng nakaalitang binatilyo mula sa kabilang barangay.

Ayon kaya Barangay 735 Kagawad Josemarie Vicente, nagsimula sa masamang tinginan ang away ng dalawang grupo.

Agad namang pinatawag ng mga opisyal ng dalawang barangay ang mga residente nilang sangkot sa gulo. Maging ang mga magulang ng mga binatilyo pinatawag din.

Ayon kay Espinosa, nagkasundo na ang magkabilang panig na huwag nang magsampa ng pormal na reklamo at pumirma sa isang kasulatan.

Nagbanta rin ang barangay na mananagot ang mga nakatatanda kapag nagpatuloy pa ang gulo.

Samantala, ikinakabahala na ng opisyal ng Barangay 737 ang nadadalas na ayaw ng mga kabataan mula sa katabi nilang barangay.

Ayon kay Barangay kagawad Hector Mendoza napapagitnaan sila ng Barangay 735 at 736 kaya ginagawang "war zone" nang magkalaban na grupo ang kanilang lugar.

Dahil dito papaigtingin pa ng barangay ang pagbabantay para hindi na maulit ang mga katulad na insidente.


         

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.