← Back to Home

Grade 8 student sa Koronadal City nakuhanan ng patalim

Nang tanungin siya kung bakit may daling patalim, sinabi ng bata na proteksyon niya ito sakaling may mangyaring kaguluhan sa paaralan.

🕒 9/22/2026, 4:48:50 AM•237 words•EN

. .

#students#DepEd#barangay officials#knife#PNP#teachers#school

Narekober ang isang kutsilyo mula sa isang estudyante sa isinagawang mas mahigpit na security inspection Martes sa Marbel 7 National High School sa Barangay Topland, Koronadal City, South Cotabato. Courtesy: Terence Ehimplar via Al Saludo

KORONADAL CITY — Narekober ang isang kutsilyo mula sa isang estudyante sa isinagawang mas mahigpit na security inspection Martes sa Marbel 7 National High School sa Barangay Topland, Koronadal City, South Cotabato.

Ayon kay Ivan Ilupa, Assistant School Principal ng Marbel-7 National High School, nakuha sa bag ng  isang grade 8 na estudyanteng lalaki ang patalim habang isinasagawa ang inspeksyon ng mga papasok na estudyante.

Agad namang ipinatawag ng paaralan ang magulang ng bata lalo't nang tanungin siya kung bakit may daling patalim, sinabi nito na proteksyon niya sakaling may mangyaring kaguluhan sa paaralan.

Ikinaalarma rin ng pamunuan ng eskwelahan ang mga kumalat  sa social media na nagbabanta sa mga guro na nagbibigay ng mga mababang grade na kanilang tutumbahin.

Patuloy na itong iniimbestigahan ngayon ng Koronadal City PNP.

Sa kabila nito, tuloy naman ang klase sa paaralan pero mas pinaigting na ang seguridad.

Isa ang paaralan sa mga malaking high school sa Koronadal City kung saan nasa mahigit isang libo rin ang mga estudyante kaya tinututukan ito ng awtoridad.

Nitong Martes ng umaga, nagsagawa ang miyembro Koronadal City PNP ng briefing at pagpapaalala sa mga estudyante na ipinagbabawal ang pananakot sa social media at maaaring maharap sa kaukulang kaso. 


KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.