Nagpatawag si Comelec Chairman George Erwin Garcia ng emergency meeting ngayong Martes, Setyembre 22, para sa gaganaping special election sa Batanes kasunod ng pagpanaw ni Lone District Rep. Ciriaco Gato Jr.
Ayon kay Garcia, "kailangan po may special election nang hindi maaga sa 60 araw at hindi hihigit sa 90 araw mula po kahapon."
Pinag-aaralan din aniya ang posibilidad na isabay ang special election sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kung matutuloy ito sa Nobyembre 2.
Kinumpirma ng Kamara de Representante nitong Lunes ang pagpanaw ni Batanes Lone District Rep. Ciriaco Gato Jr.
Pansamantalang ipatigil ng Kamara ang tuloy-tuloy na deliberasyon sa plenaryo para sa P7.2-trilyong General Appropriations Bill (GAB) ng 2027, upang maglaan ng sandali ng katahimikan at mag-alay ng panalangin para sa yumaong kongresista.
"Maaari po ba tayong lahat na tumayo para sa isang sandali ng katahimikan at mag-alay ng panalangin para sa ating minamahal na kasamahan, ang kagalang-galang na si Ciriaco B. Gato, na pumanaw kanina lamang?" pahayag ni Deputy Speaker at Misamis Oriental 2nd District Rep. Yevgeny Vicente "Bambi" Emano.
Si Gato, 66, ang namuno sa House Committee on Health.
