← Back to Home
Odessa Jones’ winning 'TALAK' on Miss Q&A weekly finals | It’s Showtime

Odessa Jones’ winning 'TALAK' on Miss Q&A weekly finals | It’s Showtime

Odessa Jones’ winning 'TALAK' on Miss Q&A weekly finals | It’s Showtime

🕒 10/3/2026, 7:27:16 AM•297 words•EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#Miss Q and A#Odessa Jones#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Good vibes ay itodo ngayong Sabado! This weekend, huwag matakot maging masaya. Samahan ang "It's Showtime" family sa isang episode na parang piyesta.

Mainit ang weekend dahil hot na hot sa talakan ang mga Miss Q and A weekly finalists na sina Odessa Jones, Reign Manzano Gaboy, Affarah Deur, Jane Estolora, at Janna Felices na may kanya-kanyang eksena.

Napangiti na lang si Odessa, flashing her brand new smile, nang mapansin na parang bunot siya ng hosts at mga kapwa kandidata. Para bang siya ang target patalsikin sa laban?! Pero dahil unpredictable ang competition, si Jane ang unang nag-bow at nag-goodbye sa harap ng nation, samantalang ang natitirang apat ay umabante sa Wit Lang round.

Laroooo! Kanya-kanyang 'amats' na sa Wit Lang! Si Jane, napaisip kung pwede bang magkamabutihan ang dalawang tao na masama ang ugali. Ipinaliwanag naman ni Odessa ang opinyon niya kung bakit hindi nagkaka-pimple ang litson kahit palagi naman itong oily.

"Kung ikaw ay singit at tinawag ang pangalan mo, kakanta ka ba?" 'yan naman ang tanong na nabunot ni Reign. At bilang anak ng sabungero, parang itinadhana kay Affarah ang tanong na, "Sa iyong palagay bakit tumitingala ang mga manok pagkatapos nila uminom?"

Mula apat, dalawa lang ang naka-survive para mag-face off sa Beklamation, at ito ay sina Affarah at Odessa. Ang question of the day ay, "Kung ikaw ay magulang at may matinding away ang 'yong dalawang anak, may papanigan ka ba?"

Parehong walang papanigan sina Affarah at Odessa ngunit magkaiba ang naging delivery nila. Sa dulo, si Odessa ang napiling panalo ng mga hurado. Siya ang Miss Q and A Reyna Talaki-TALK of the week.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.