← Back to Home

Kampeon | Pages Short Story | Fiction

Pages: A devoted girlfriend sacrifices her own identity while helping her partner achieve fame, only to rediscover her self-worth after realizing she has lost herself in the process.

🕒 5/1/2026, 4:00:00 AM•619 words•EN

. .

#ABS-CBN Pages#AbS-CBN Studios Pages#Kampeon#Pages#Pages Short Story#Pages Fiction

Kampeon | Pages Short Story | Fiction 

Pitong beses siyang natalo. At sa pitong beses na ’yon, ako ’yung palaging nasa gilid ng entablado—hindi kita ng kamera, hindi kilala ng hurado, pero laging nandoon.

Ako ’yung may dalang tubig pagkatapos ng audition. Ako ’yung nagsasabing, “Okay lang ’yan, babawi tayo,” kahit siya mismo halatang pagod na. Alam ko na kung kailan siya kakabahan sa isang kanta, kung anong linya ang madalas niyang palyahin, at kung anong oras siya tahimik kasi pinagdududahan na naman niya ang sarili niya. 

Sa totoo lang, minsan gusto ko na rin siyang sabihing tama na. Pero mas malakas ’yung paniniwala ko kaysa sa pagod. 


Kampeon | Pages Short Story | Fiction


Hanggang sa isang gabi—nanalo siya.

Grabe ’yung ilaw. Ang ingay. Ang sigawan ng tao. Nang banggitin ang pangalan niya bilang kampeon, literal na nanghina ang tuhod ko. Umiyak ako nang todo, hindi dahil naiinggit ako, kundi dahil sa wakas, nakita rin siya ng mundo. 

Akala ko doon na matatapos ang hirap. Hindi pala. Doon pa lang talaga nagsimula. 

Pagkatapos ng panalo, may dumating na bagong tao sa buhay namin—si Marco. Manager daw. Maayos magsalita, mukhang mabait, pero ramdam mong lahat sa kanya kalkulado. 


Kampeon | Pages Short Story | Fiction


Sa umpisa, okay pa. Sinasama ako sa meetings. Tinatanong ang opinyon ko. Hanggang sa isang araw, bigla niyang sinabi, “Mas okay siguro kung sa likod ka muna. Para walang distractions.” 

Distractions… Parang bigla akong naging sagabal. 

Habang dumadami ang gigs, interviews, at rehearsals niya, ako naman ’yung paunti nang paunti ang espasyo. Kapag magkasama kami, parang bisita na lang ako. Tahimik. Nakaupo sa gilid. Nakikinig sa mga plano na hindi naman ako kasama. 


Kampeon | Pages Short Story | Fiction


Sa social media, mas lalo akong nawala. May mga comment na, “Mas bagay siya sa mas accomplished,” o “Sana hindi na lang ’yan ang girlfriend, wala namang ambag.” 

Tinatawanan ko ’yon sa harap niya. Pero pag-uwi, inuulit-ulit ng utak ko.  

At doon ako nagsimulang magtanong. Masaya ako para sa kanya. Totoo ’yon. Pero bakit parang may kulang sa akin? Habang umaangat siya, pakiramdam ko pababa naman ako. Hindi niya ako minamaliit. Pero parang ginawa iyon ng mundo para sa kanya. 

May mga pangarap din ako dati. May gusto rin akong patunayan. Pero ipinagpaliban ko lahat kasi mas mahalaga ang kanya. 

Ngayon, kapag tinanong ako kung sino ako, hindi ko na alam ang sagot. Girlfriend ng champion? O wala talaga? 

Isang gabi, narinig ko si Marco sa telepono. Hindi niya alam na naroon ako. Sabi niya, “Mas mabenta kung single image. Mas madaling ibenta ang kuwento.” 

Doon ko naintindihan lahat. Hindi ako parte ng future na pinaplano nila. 


Kampeon | Pages Short Story | Fiction


Kinabukasan, umalis ako. Walang sigawan. Walang eksena. Isang liham lang ang iniwan ko. 

Sinabi kong kailangan kong hanapin ulit ang sarili ko—bago tuluyan akong mawala. 

Masakit. Sobra. Pero mas masakit manatili kung pakiramdam mo wala ka nang halaga. 

Lumipas ang mga araw na tahimik. Walang camera. Walang palakpakan. Doon ko unang narinig ulit ang sarili kong boses—mahina, pero akin. 


Kampeon | Pages Short Story | Fiction


Tapos dumating siya. Hindi bilang sikat. Hindi bilang kampeon. Bilang siya. 

Sinabi niyang iniwan niya si Marco. Na napagod siyang ipaglaban ang image na hindi naman siya. Na sa lahat ng tagumpay, doon lang niya napansin na nawala ako—at kasama nun, ang lakas niya. 

“Hindi ako aabot dito kung wala ka,” sabi niya. “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako sumuko. Kung may nanalo man dito, dalawa tayo.” 


Kampeon | Pages Short Story | Fiction


Doon ko na-realize: hindi nababawasan ang halaga ko dahil umangat siya. 

Nakalimutan ko lang sandali kung sino ako, at ano ang kaya ko. 

At minsan, ’yon lang talaga ang kailangan—may magpaalala sa’yo na bago ka naging taga-suporta ng pangarap ng iba, may sarili ka ring boses na dapat pakinggan.


* Images enhanced using AI filters

* All characters and events in this work are fictional. Any similarity to real persons, living or dead, or actual entities is unintentional and coincidental.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.