

Tumigil sila sa harapan ng isang mamahaling kotse, kumikintab ito sa ilalim ng liwanag ng buwan.
“I’m Noah,” inalok ng estranghero ang kaniyang kamay na siya namang tinanggap ni Jeremy. “What’s your name?”
“Jeremy,” tipid na sagot ng binata, kinakain ng hiya. “Maraming salamat nga pala sa pagligtas mo sa’kin kanina. Panigurado, knockout na ako ngayon kung hindi ka dumating.”
Napatawa si Noah. “My pleasure. Isa pa, mukha namang hindi ikaw ‘yung tipo na gagawin ‘yun eh.”
Napabuntong hininga si Jeremy, at nagsimulang humakbang paalis. “By the way,” pahabol ni Noah. “Do you need a ride home? Hatid na kita.”
Umiling si Jeremy. “Nope. ‘Wag na, I can manage.”







“That doesn’t sound like my Noah,” umiling si Jessica, hindi kumbinsido sa paliwanag ni Jeremy. “He prefers going somewhere calm and quiet.”
“Tama po kayo, tita,” nagkunwaring natawa si Jeremy, pilit nilulusutan ang patibong ng ina ni Noah. “Hinila niya rin ako agad palabas ng bar, naingayan po siguro sa loob.”
“Ano namang nagustuhan mo sa kan’ya?” naningkit ang mga mata ni Jessica, patuloy pa rin sa paghahanap ng butas sa mga sagot ni Jeremy.
“I like that he’s gentle with me,” puno ng sinseridad ang boses ni Jeremy, tila naghugis puso ang pareho niyang mga mata. “Never niya pinaramdam sa’kin na I’m a burden. He also radiates kindness. Ramdam ko ‘yun sa bawat galaw niya. And from how you’re making sure na maligaya si Noah, tingin ko po namana niya po sa inyo ‘yung kabutihan ng loob niya.”



Indoor date ang sunod na naging pagkikita ni Jeremy at Noah. Nasa condo unit sila ng pinsan ni Noah. Ikakasal na ito sa susunod na linggo, at may mga kulang pang gamit para sa reception venue. Iniwan silang dalawa para magbantay ng dalawang bata buong maghapon.
“Alis na ako ah, marami pa akong pupuntahan,” paalam ng pinsan ni Noah. “Isama mo na rin pala si Jeremy next week sa kasal namin. ‘Yang kaibigan mo na lang ang plus one mo.”
“Boyfriend ko si Jeremy, kuya,” pagkaklaro ni Noah, nagkatinginan sila ni Jeremy.
“Ah ganu’n ba? Mukha kasi kayong mag-bestfriend lang eh,” natatawang paliwanag ng pinsan ni Noah. “Ano palang nangyari du’n sa nirereto ni Tita sa’yo? Ayaw mo na kay James?”










“As in mag-boyfriends na talaga tayo. Totoo na, without pretense, without performance. Official.”
Unti-unting umusbong ang ngiti sa mga labi ni Noah, ginamit niya ang isang kamay para takpan ang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi. “Sure ka?”
“Kung tatanungin mo ulit ako kung naka-move on na ba ako sa kaniya, hindi na ‘siguro?’ ang isasagot ko. Kasi ang tanging pangalan lang na isinisigaw ng puso ko ay ‘yung sa’yo, Noah.”
“Come here.” Ikinulong ni Noah si Jeremy sa kaniyang mga bisig. “I love you so much, Jeremy. You showed me a life that I never thought was possible for me. I really wish I met you sooner.”
“And I wish to meet you in every lifetime there is,” sagot ni Jeremy. “You helped me love my life again, and I love you just as much.”

* Images enhanced using AI filters
* All characters and events in this work are fictional. Any similarity to real persons, living or dead, or actual entities is unintentional and coincidental.