← Back to Home

Fruit vendor nanalisi ng cellphone sa isang clinic sa Pasig

Pinaghahanap ng awtoridad ang isang fruit vendor na tumangay ng cellphone ng isang medical staff sa isang health clinic sa Barangay San Miguel, Pasig City nitong Sabado, Setyembre 26.

🕒 10/2/2026, 1:04:05 AM•259 words•EN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#salisi#fruit vendor#pasig#health clinic#barangay san miguel#nakaw#cellphone

Pinaghahanap ng awtoridad ang isang fruit vendor na tumangay ng cellphone ng isang medical staff sa isang health clinic sa Barangay San Miguel, Pasig City nitong Sabado, Setyembre 26. Contributed via Christopher Sitson

MAYNILA — Pinaghahanap ng awtoridad ang isang fruit vendor na tumangay ng cellphone ng isang medical staff sa isang health clinic sa Barangay San Miguel, Pasig City nitong Sabado, Setyembre 26.

Sa CCTV sapul ang pagpasok ng lalaki sa loob ng clinic bitbit ang kanyang mga panindang prutas.

Napatingin pa siya sa CCTV at nagmasid sa paligid bago tuluyang kinuha ang nakitang cellphone. 

Dali-dali niya itong itinago sa ilalim ng kanyang paninda at mabilis na umalis.

Ayon sa liason officer ng clinic, bago makapasok sa doctor’s clinic ang lalaki ay nag-alok muna ito ng prutas sa nakapilang pasyente sa waiting area at isa pang staff.

Pagma-may-ari ng medical staff ang tinangay na cellphone na nagkakahalaga ng P13,000. Ginagamit din ang cellphone sa operasyon ng clinic.

“Nagtatrabaho nang patas yung staff namin. Solo rin sa buhay yun, single mom. Nag-o-online selling din yung tao, extra-extra niya. Paano pa siya maka-extra? Wala na,” sabi ng may-ari ng clinic.

“Sinabihan ko sila lahat na wag kampante lalo na yang mga ganyang cellphone mainit sa mata. Kasi hindi mo alam sino nagpapanggap na pasyente o nagpapanggap lang na vendor tapos kawatan pala,” dagdag pa ng clinic owner.

Ayon sa barangay, posibleng dayo ang lalaki dahil hindi ito pamilyar sa kanila.

Naka-alerto na sa barangay at pulisya ang mukha ng lalaki na nasapul sa CCTV at agad huhulihin kapag naabutan sa lansangan.


           

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.