← Back to Home

P18.6-M halagang marijuana kush, nasabat sa NAIA; 3 pinoy, arestado

Tatlong Pilipinong pasahero ang inaresto matapos makumpiskahan ng tinatayang P18.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana kush sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

🕒 9/26/2026, 1:05:25 AM•313 words•EN
Eon Sanchez

Eon Sanchez

Eon Sanchez is a reporter for ABS-CBN News covering the Metro beat. He earned his Broadcasting degree from the Polytechnic University of the Philippines, magna cum laude. Before joining the newsroom, he served as Editor-in-Chief of The Communicator, the official student publication of PUP College of Communication.

#marijuna#kush#PDEA#NAIA

Arestado sa NAIA Terminal 3 ang tatlong Pinoy na galing Bangkok, Thailand matapos masabatan ng P18.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana kush noong Setyembre 24. Retrato mula sa PDEAArestado sa NAIA Terminal 3 ang tatlong Pinoy na galing Bangkok, Thailand matapos masabatan ng P18.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana kush noong Setyembre 24. Retrato mula sa PDEA

MAYNILA — Tatlong Pilipinong pasahero ang inaresto matapos makumpiskahan ng tinatayang P18.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana kush sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Ayon sa mga awtoridad, nasabat ang nasa 18,679 gramo ng pinatuyong dahon na hinihinalang marijuana kush sa isinagawang interdiction operation sa Customs Secondary Inspection Area ng international arrival area bandang alas-10:30 ng umaga noong Setyembre 24, 2026.

Katatapos lamang dumating ng tatlong suspek mula sa Bangkok, Thailand nang masita sila ng mga operatiba.

Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na "JP," 24, online seller mula Caloocan City; "Raymart," 23, delivery rider mula Valenzuela City; at "Francis," 24, walang trabaho at residente ng Pampanga.

Sa isinagawang secondary inspection, nadiskubre ng mga awtoridad ang anim na bagaheng pagmamay-ari ng tatlong pasahero.

Sa loob ng mga ito, natagpuan ang mga self-sealing foil pouch at vacuum-sealed transparent plastic bag na naglalaman ng pinatuyong dahon na hinihinalang marijuana kush.

Aabot sa 6,157 gramo ang narekober sa dalawang bagahe ni "JP," habang 7,075 gramo naman ang nakuha sa dalawang bagahe ni "Raymart," at 5,447 gramo sa dalawang bagahe ni "Francis."

Pinangunahan ang operasyon ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency–National Capital Region, Bureau of Customs–Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, PNP Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, at Office for Transportation Security.

Isinailalim na sa dokumentasyon at forensic examination ang mga nakumpiskang ebidensya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang tatlong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang isasailalim pa sa karagdagang imbestigasyon at pagsusuri sa laboratoryo ang mga nakuhang ebidensya.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.