← Back to Home
Mga binatilyong galing birthday party, nagsuntukan sa Cavite

Mga binatilyong galing birthday party, nagsuntukan sa Cavite

Nagsuntukan ang dalawang grupo ng kabataan sa Imus, Cavite.

🕒 10/1/2026, 6:39:43 AM•269 words•EN
Darylle Sarmiento

Darylle Sarmiento

Darylle Sarmiento is an ABS-CBN multi-platform reporter in Metro Manila, specializing in crime, security, calamity, and human interest stories. This proud Ilongga, a West Visayas State University Broadcasting graduate, began her career as GMA Regional TV's youngest correspondent.

#Tagalog news#regions#regional news#Cavite#menor de edad

Nagsuntukan ang dalawang grupo ng kabataan sa Imus, Cavite noong Martes ng madaling-araw. 

Sa CCTV video, makikitang may dalawang binatilyong unang nagpang-abot at nagkasuntukan sa Barangay Carsadang Bago II. 

Ilang sandali pa, sumali na rin ang ilan pang binatilyo mula sa magkabilang grupo.

Napag-alaman na galing sa iisang birthday party ang dalawang grupo.

“Ang nakarating sa amin bumibili lang yung grupo na tropa rin nung birthday celebrant tapos merong grupo na nakatambay doon, yun pinagkatuwaan na nila, trip-trip lang,” sabi ni barangay secretary Myrna Ferrancol. 

Dagdag niya, dati nang may record sa barangay ang ilan sa mga dawit sa suntukan

“Actually yung mga ibang involved, meron nang mga record, gulo din,” sabi ni Ferrancol. 

Lumalabas sa record ng barangay na pito ang mga nambugbug, habang dawala naman ang napuruhang biktima.

Bagamat hindi lahat ay residente ng nasabing lugar, nakatakda pa ring ipatawag sa barangay ang mga magulang ng mga sangkot.

“Sa ngayon, kinukuha na namin yung mga pangalan ng mga parent, guardian,” sabi ni Punong Barangay Bernardita Hayag. 

Paalala niya sa mga magulang ng mga batang sangkot sa gulo, “Kailangan pangalagaan natin ang ating mga anak. Kung saan man sila pupunta o ano man ang pupuntahan nila, kailangan tanungin natin mabuti at tsaka may oras ng pag-uwi nila, para nalalaman natin kung sila’y talagang ligtas o hindi.” 

Wala namang naiulat na malubhang nasugatan sa nangyaring bugbugan. 

Patuloy na naghihigpit ang barangay, sa pamamagitan ng regular na pag-iikot ng mga tanod sa lugar.


IBA PANG BALITA: 

Magkapatid na senior patay matapos pagsasaksakin ng pamangkin sa Cagayan 
Tanker catches fire in Calaca; 2 injured 
13 injured as jeepney overturns in Romblon

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.