Hindi na madaanan ang bahagi ng Baguio-Bontoc Road bandang 4:30 ng hapon ngayong Huwebes, October 1.
Sa video na ibinahagi ng Mountain Province Police Provincial Office, gumuho ang bahagi ng bundok sa Amlusong, Bontoc Ili, Bontoc.
Sa isa pang video, nagtakbuhan ang mga motoristang na-stranded sa lugar.
Humambalang sa kalsada ang mga gumuhong lupa, bato, at nabuwal na mga puno.
Nadamay din ang ilang poste at kable ng kuryente.
Wala pang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
Pinayuhan din ang mga motorista at biyahero na iwasan muna nasabing daan habang hindi pa natitiyak ang kaligtasan at habang isinasagawa ang clearing operation.
