← Back to Home
Estudyante sinaksak umano ng schoolmate sa Laoag

Estudyante sinaksak umano ng schoolmate sa Laoag

Sugatan ang isang grade 11 student matapos umanong saksakin ng mas batang estudyante sa Balatong Integrated School sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Huwebes ng hapon.

🕒 10/2/2026, 2:32:14 AM•491 words•EN

. .

#school stabbing#minors#shooting#knife attack#school violence#Laoag#Balatong Integrated School#Bacarra National Comprehensive High School

Sugatan ang isang grade 11 student matapos umanong saksakin ng mas batang estudyante sa Balatong Integrated School sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Huwebes ng hapon. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mag-uumpisa na sana ang klase nang saksakin ng Grade 10 na estudyante ang biktima sa hallway. 

Nagtamo ng isang saksak sa dibdib ang biktima na agad itinakbo sa ospital at nagpapagaling pa rin ngayong Huwebes.

Isang folding knife ang ginamit sa pananaksak na nasa kustodiya na ng pulisya. Kahit may metal detector na ginagamit ng guard sa gate na pinapasukan ng mga estudyante, hindi na-detect ang patalim na ginamit dahil isinuksok umano ito ng suspek sa kanyang underwear. 

Hindi na nag-painterview on record ang pulisya pero lumalabas na motibo sa pananaksak ang awayan ng dalawang grupong kinabibilangan ng suspek at biktima.

Nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang suspek at sumasailalim na sa kaukulang intervention ang mga sangkot sa pangyayari. 

Some children won’t ask for help; experts say adults must learn to notice 
Amid school violence, 10,000 counselor posts eyed to boost student mental health support 


BANTA NG PAMAMARIL 


Samantala, bineberipika rin ng pulisya ang ulat hinggil sa umano’y banta ng pamamaril sa Bacarra National Comprehensive High School sa Bacarra, Ilocos Norte.

Ayon sa pulisya, may isang indibidwal na umano’y narinig na nagsabing posibleng magkaroon ng pamamaril sa loob ng paaralan. Agad na nakipag-ugnayan ang mga pulis sa pamunuan nito at nagpatupad ng mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at kawani.

Sa hiwalay na pahayag, nilinaw ng paaralan na dalawang magkahiwalay na usaping pangkaligtasan ang kanilang tinugunan.

Ang una ay may kinalaman sa isang mag-aaral na natukoy na nag-post sa social media ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagbabanta sa kaligtasan ng paaralan. Ayon sa pamunuan, naasikaso ito ng mga kawani bago matapos ang klase at agad na sinikap na makontak ang mga magulang ng mag-aaral para sa kaukulang koordinasyon at interbensiyon.

Tiniyak din ng paaralan na inuuna ang kaligtasan at kapakanan ng mag-aaral at pinananatiling confidential ang kaniyang pagkakakilanlan.

Ang ikalawang usapin ay ang kumakalat na ulat tungkol sa posibleng pamamaril. Batay sa impormasyong hawak at isinagawang pagsusuri ng paaralan, wala pang napatutunayang kapani-paniwalang banta ng pamamaril sa oras ng paglalabas ng kanilang pahayag.

Patuloy ang koordinasyon sa mga awtoridad at pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad. Ayon sa pahayag, nagbalik na ang regular na klase at operasyon ng paaralan sa Oktubre 2, 2026.

Nanawagan ang paaralan at pulisya sa publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, tsismis o mga screenshot na maaaring magdulot ng takot at kalituhan.

Hinikayat din ang mga magulang na gabayan at kausapin ang kanilang mga anak. Anumang impormasyon tungkol sa pagbabanta o kahina-hinalang aktibidad ay dapat agad na ipagbigay-alam sa pulisya o pamunuan ng paaralan.

Banga shooting 'groomer' still being hunted — DILG 
PNP taps SK officials to spot warning signs of potential youth violence 
Remulla urges public to reject culture of violence 


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.