Patay ang isang lalaki matapos makuryente at mahulog sa hinuhukay na libingan sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Inihahanda ng 33-anyos na lalaki ang libingan sa kanyang pinagtatrabahuang pribadong sementeryo nang mangyari ang insidente.
Ayon sa pulisya, gumamit si “Roger” at kasama nito ng submersible pump para sana makuha ang tubig na naipon sa hukay.
Pero bigla umanong nakuryente si Roger habang inaayos ang pump.
Nahulog siya sa hukay na puno ng tubig.
Agad siyang dinala sa ospital pero idineklarang dead on arrival ng doktor.
IBA PANG BALITA:
US fugitive wanted for sex offense arrested in Cebu
Illegal frozen pork seized, burned in Marinduque over ASF threat
