← Back to Home

Hukay Sa Altar | Pages: Short Story | Fiction

Pages: “Hukay Sa Altar” is about a woman who returns to her hometown and becomes drawn into a dark secret hidden beneath an old church, where she must confront a terrifying force tied to her family’s past.

🕒 6/19/2026, 6:12:49 AM•273 words•EN

. .

#Hukay Sa Altar#Pages#Pages Short Story#Pages Fiction


Mga buto. Libo-libong buto. Mga bungo na nakasalansan na parang pader. Mga buto ng hita na nakatali sa lubid. Maliit na mga tadyang ng bata sa ilalim ng mga rebulto ng santo na sira-sira ang mukha. 

Isa pala itong ossuary, or libingan ng mga buto. Pero mas matanda pa kaysa simbahan. 

Sa gitna nito ay may kabaong na kahoy na binalot ng bakal na kadena.

Biglang may dumating na pigurang may hawak na kandila.   

“Paano ka nakababa dito?” 

 Napalingon siya. Nakatayo sa dilim si Father Emilio, ang pari ng bayan.  

 Doon na tuluyan bumalik sa ulirat si Andrea.



Kapag may nawalan ng anak, maririnig nila ang tinig nito sa gabi. Kapag may namatayan ng asawa o magulang, makikita nila ang anyo ng mahal nila sa paligid ng burol.

At kapag sinundan nila ito pababa sa lagusan lalo na’t walang bantay—hindi na sila muling nakabalik. Dahil hinihigop ng nilalang ang lakas at buhay ng sinumang pumapasok sa lungga nito.

Noong dumating ang mga prayle, natuklasan nila ang katakumba. Sinubukan nilang selyuhan ng lupa at bato ang lagusan pero laging bumabalik ang daan. Parang may kung anong puwersang nagbubuka sa lupa. Parang ayaw magpakulong ng lugar.

Kaya nagtayo sila ng simbahan sa ibabaw nito upang bantayan ang nilalang habambuhay.

At kada henerasyon, may isang tagapagbantay na inaatasang siguraduhing walang taong maliligaw sa ilalim. Ang huling tagapagbantay ay ang lola ni Andrea.

“Ang pagdating mo ang hudyat kung mas lalakas siya o tuluyan nang lalamunin ng impyerno.” 


-


*Images enhanced using AI filters 

 * All characters and events in this work are fictional. Any similarity to real persons, living or dead, or actual entities is unintentional and coincidental.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.