← Back to Home
Lalaki patay matapos barilin sa Tondo

Lalaki patay matapos barilin sa Tondo

Patay ang isang lalaki matapos barilin sa bahagi ng Abad Santos sa Barangay 205, Tondo, Maynila.

🕒 10/1/2026, 1:13:03 AM•316 words•EN
Bea Cuadra

Bea Cuadra

Bea Cuadra is a multiplatform reporter for ABS-CBN News focusing on police and crime beat stories. A Summa Cum Laude graduate of Assumption College, she has previously worked as a news monitoring and desk officer for the Integrated News and Current Affairs Division.

#Patay#Lalaki#Shooting incident#Tondo#Maynila

Patay ang isang lalaki matapos barilin sa bahagi ng Abad Santos sa Barangay 205, Tondo, Maynila.

Pasado alas-4:00 ng madaling araw noong Martes, Setyembre 29 nahagip sa CCTV ang  dalawang lalaki na dumaan sa gilid nang nakahintong trak.

Maya-maya pa,  nahagip ang isa sa dalawang lalaki na unang nakunan sa cctv na dumaan sa gilid ng trak na nagmamadaling naglakad.

Tila may sinasabi pa ang lalaki sa mga sakay ng trak.

Hindi na nahagip sa CCTV, pero ayon sa barangay, binaril ng lalaki ang kasama nitong pumasok  sa bakanteng lote na ginawang paradahan ng mga trak

Ayon kay Barangay 205 Kagawad Ramil Mamangon, nagulat siya ng biglang may marinig na putok ng baril.

"Nakahiga ako sa bahay namin, so meron ako narinig na isang putok na kakaiba, kasi iba yung comparison mo sa paputok ng pang-ordinaryo, iba ito, yung matinis… kaya dumiretso ako dito sa barangay, tiningnan ko yung monitor sa CCTV camera." ani Mamangon.

Ayon kay Barangay 205 Chairman Alberto Muñoz,  hindi residente ng barangay ang biktima at ang suspek.

“Galing sa 7-11, yung tao, bitbit niya 'yung biktima, dinala pa dito sa lugar namin,” dagdag pa ni Muñoz.

Sa imbestigasyon lumalabas na may kaugnayan sa pagnanakaw ang motibo sa pamamaril.

 "Isa daw yan [biktima] sa mga nagnanakaw ng wiring ng mga truck… sa ibang barangay, marami record daw po, puro pagpagnanakaw daw po," ani Muñoz,

Dagdag ni Barangay Kagawad Mamangon, posibleng ninakawan ng biktima ang suspek kaya binaril ito.

"Namimili ng mga kalakal, mga second hand aircon, ref, yun ang hanap buhay noon… lagi siyang nape-perwisyo, malaking bagay din sa kanya dahil di mag-i-start siya ng sasakyan, wala na mga wiring, battery." ani Mamangon.

“Itong tao na ito [biktima] yung madalas na malimit, nagnanakaw talaga... dito sa may junk shop, kilala rin na talagang magnanakaw,” dagdag pa niya.

Nakikipagtulungan na ang barangay sa PNP sa imbestigasyon para maresobla ang kaso at mahuli ang suspek.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.