← Back to Home
Ambulansyang may sakay na pasyente, nabangga ng TNVS

Ambulansyang may sakay na pasyente, nabangga ng TNVS

Sinalpok ng kotse ang isang ambulansyang may sakay na pasyente sa bahagi ng EDSA Balintawak Northbound sa Quezon City, pasado alas-3:00 ng madaling araw nitong Martes, Oktubre 6.

🕒 10/6/2026, 12:00:13 AM•235 words•EN
Bea Cuadra

Bea Cuadra

Bea Cuadra is a multiplatform reporter for ABS-CBN News focusing on police and crime beat stories. A Summa Cum Laude graduate of Assumption College, she has previously worked as a news monitoring and desk officer for the Integrated News and Current Affairs Division.

#edsa#TNVS#Ambulansya#Quezon City#Balintawak

Sinalpok ng kotse ang isang ambulansyang may sakay na pasyente sa bahagi ng EDSA Balintawak Northbound sa Quezon City, pasado alas-3:00 ng madaling araw nitong Martes, Oktubre 6.

Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng kotse at nayupi ang likurang bahagi ng ambulansya. Natanggal din ang pintuan ng ambulansya.

Ayon kay Dennis Delos Reyes na driver ng ambulansya, rumesponde sila sa aksidente kung saan nabangga ng motorsiklo ang isang 53-anyos na taxi driver.

Dadalhin na sana nila sa ospital ang pasyente nang banggain sila sa likuran ng kotse.

“Nagulat kami paalis na kami biglang may bumangga samin na malakas yung impact sakay na namin yung pasyente,” kuwento niya.

“Isinakay muna ako dito tapos 'di pa kami nakaalis binangga na naman kami… Kanina nakahiga ako dito… Sa lakas ng bangga napaupo ako,” kuwento ni Hondarico Bonturan, ang taxi driver na pasyenteng sakay ng ambulansya.

Hindi naman nagtamo ng galos ang driver ng ambulansya at dalawa pa niyang kasama.

Ayon naman sa TNVS driver na nakabangga sa ambulansya, papunta siya ng Valenzuela para ihatid ang sakay na pasahero nang makaidlip at mabangga ang ambulansya sa kaniyang harapan.

“Ewan ko ma'am baka naka ano po naka idlip… Nakita ko doon pa 'yung ambulance,” aniya.

Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang TNVS driver, habang ligtas naman ang pasahero niya.

Nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 1 ang TNVS driver habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.