← Back to Home
7 patay sa loob ng tunnel ng minahan sa Itogon, Benguet

7 patay sa loob ng tunnel ng minahan sa Itogon, Benguet

Pitong minero ang natagpuang patay sa loob ng isang tunnel sa Sitio Dontog, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet, gabi ng Miyerkules.

🕒 10/2/2026, 11:10:35 AM•430 words•EN

ABS-CBN News

#Tunnel#Death#Miners#Itogon#Benguet

Pitong minero ang natagpuang patay sa loob ng isang tunnel sa Sitio Dontog, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet, gabi ng Miyerkules.

Ayon kay Itogon MDRRMO Head Engr. Cyril Batcagan, isang senior citizen edad 62 at anim na iba pa edad 18 hanggang 27 ang mga nasawi.

“Kung anong oras na pumasok, hindi namin alam. Basta ang alam namin, siguro gabi pumasok ang mga iyon. (Jc) Tapos nalaman na lang nila noong umaga na. Siguro may nag-inspect na mga kasama nila kasi bakit walang umuwi doon sa mga tao. So pinuntahan siguro, yun na nakita na nila na nandoon sila sa tunnel na wala nang buhay,” ani Batcagan.

Posibleng gas poisoning umano ang ikinamatay ng mga biktima.

“Yung mga naipon doon sa loob ng tunnel na kung saan-saan nanggaling kasi alam mo naman doon sa loob ng tunnel napupuno yan ng mga gases na yan lalo na kung walang pumapasok na tao. Doon naiipon yung mga poison sa loob,” ani Batcagan.

Ayon sa paunang impormasyong inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Mountain Province, agad na nagsagawa ng emergency response at retrieval operations matapos maiulat ang insidente.

Bandang alas-11 ng umaga noong Oktubre 1, nailabas ng mga rumespondeng grupo ang lahat ng biktima. Anim sa mga nasawi ay residente ng Barangay Bana-ao, Tadian, Mountain Province, habang ang isa ay tubong Cagayan Valley.

Dagdag ni Batcagan, naiuwi na sa kani-kanilang pamilya ang mga labi ng anim na nasawi mula sa Mountain Province.

“Kahapon naiuwi na yun kasi minadali yun eh. Hindi nireport agad kasi gusto nila iresponde na mabilis para hindi malaman ng mga awtoridad kaya ganun ang nangyari, mabilisan ang responde ng mga residente doon.”

TV PATROL: 3 minero patay sa landslide sa Itogon, Benguet  

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi at mga pangyayari sa likod ng insidente.

Tinitignan na rin kung sino ang posibleng managot. Paglilinaw ng MDRRMO, mahigpit na ipinagbabawal ang small scale mining sa Itogon dahil sa peligrong dala nito sa buhay ng mga minero at pagkasira sa kalikasan. 

“Talaga namang bawal siya eh. Wala lang talagang magawa kasi yun ang mga livelihood ng mga tao so di natin mapipigilan. Dito sa office namin palaging may mga warning. Yung iba kasi talagang di sumusunod.” Ani Batcagan.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Mountain Province sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima, lalo na sa komunidad ng Bana-ao, Tadian na nawalan ng anim na residente.

Tiniyak din ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy na suporta at kinakailangang tulong sa mga pamilyang nagdadalamhati. 

Mahigit 130 minero muntik ma-trap ng landslide sa bundok sa Benguet  

 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.