← Back to Home
Lalaki, itinangging ipinakain sa sawa ang alagang tuta sa Cagayan

Lalaki, itinangging ipinakain sa sawa ang alagang tuta sa Cagayan

Pinabulaanan ng pulisya at ng isang residente sa Gattaran, Cagayan ang mga kumakalat na ulat sa social media na umano'y ipinakain nito ang buhay na tuta ang kaniyang ahas.

🕒 9/22/2026, 2:29:02 AM•161 words•EN

ABS-CBN News

#SAWA#tuta#animal abuse#viral video#Tagalog news#Cagayan

Pinabulaanan ng pulisya at ng isang residente sa Gattaran, Cagayan ang mga kumakalat na ulat sa social media na umano'y ipinakain nito ang buhay na tuta ang kaniyang ahas.

Batay sa imbestigasyon ng Gattaran police., personal na nakita ng mga awtoridad ang naturang tuta na buhay at nasa mabuting kalagayan, dahilan upang ideklara ng pulisya na walang sapat na batayan ang alegasyon.

Ipinaliwanag ng residente na natagpuan niyang patay na ang ahas at dinala sa kaniyang tahanan. 

Nang ibaba niya ito sa lupa, nilapitan ito ng kaniyang tuta na biglang nilingkis ng sawa—dahilan upang video-han niya ito bilang patunay na kaya pa ring pumulupot ng ahas kahit patay na.

Binigyang-linaw ng lalaki na nilagyan niya ang video ng caption na: "Patay na ang ahas pero kaya pala niyang pumulupot."

Aniya, wala siyang intensyong saktan o ipakain ang kaniyang mga alagang hayop. 

Humingi rin siya ng paumanhin at pang-unawa sa publiko para sa anumang hindi pagkakaunawaang idinulot ng kaniyang social media post.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.