← Back to Home
Rider at angkas na nag-viral matapos umano mambato sa isang bata, nasampahan na ng reklamo

Rider at angkas na nag-viral matapos umano mambato sa isang bata, nasampahan na ng reklamo

Nasampahan na ng patong patong na reklamo ang lalaking rider at babaeng angkas matapos umano nilang manakit ng isang bata at makipag-away sa kanyang ina sa kahabaan ng M.L. Quezon Extension, Bgy. Dalig, Antipolo.

🕒 9/23/2026, 4:31:04 PM•459 words•EN
Lyza Aquino

Lyza Aquino

Lyza Aquino, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers Metro and crime stories. A Holy Angel University alumna, she anchors DZMM’s Hello Attorney and hosts ABS-CBN’s Philippines’ Most Shocking Stories.

#Antipolo City#rider#angkas#physical injuries#bata#sugatan

MAYNILA -- Nasampahan na ng patong-patong na reklamo ang lalaking rider at babaeng angkas matapos umano nilang manakit ng isang bata at makipag-away sa kanyang ina sa kahabaan ng M.L. Quezon Extension, Bgy. Dalig, Antipolo. 

Kwento ng ina ng bata na si Analyn Flores, galing sila sa isang supermarket para bumili ng buko at pauwi na sana sila ng kanyang 8 taong gulang na anak nang mangyari ang insidente, 3:40 p.m. noong Lunes, September 21.

"Naglakad kami, may tindahan ng buko juice, gusto ng anak ko doon, naglakad kami papunta doon. So pumunta kami doon then after namin uminom ng buko uuwi na kami. Yung tricycle...nakapila doon. [Tapos] sa may pinto nakaharang yung single na motor, iyon yung sinasakyan nung taong nanakit sa anak ko," kuwento ni Flores. 

Dizon nag-inspeksiyon sa kalsadang nag-viral dahil sa pagkakatengga  

"Sabi ng anak ko 'excuse me po Kuya', may paglambing. Bigla ba naman siyang [lalaki] sumagot sa bata ng 'eh hindi ako makaurong eh' yung arogante na may pag-sigaw, ganun yung approach niya sa bata. Siyempre ikaw bilang ina nakita mong ginagalang niya yung tao, so sabi ko nagsalita ako, 'grabe ka naman kuya ang galang nung bata, nag-opo pa tapos gaganyanin mo.' Tapos sabi niya, 'pakialam ko', so ngayon nag-argue na kami," dagdag ng biktima.

Pagkatapos ng pagtatalo sa may supermarket ay sumakay na ng tricycle sila Flores, kasama ang anak at dalawang iba pa. Laking gulat nila nang makita na sinundan pala sila ng rider at angkas. 

Paulit-ulit umano silang pinagmumura at hinahamon si Flores na bumaba ng tricycle, at nang hindi siya bumaba ay doon sila nambato sa tricycle. Tinamaan ang walong taong gulang na anak ni Flores.

"Biglang bumato yung lalaki sa loob, tinamaan yung bata. Pagkabato nila, tumatawa pa sabay ut-urn pagbalik... Medyo masakit yung ulo niya [bata]. 'Yung sugat niya kasi tinahi yun eh," sabi ni Flores.

Hindi rin ngayon nakakapasok ng paaralan ang bata.

Ayon kay Police Captain Carlo Tamondong, Antipolo Police Community Precinct 2 Commander, nakatanggap sila ng tawag noong Martes na handang sumuko ang dalawang sangkot sa insidente pero naghintay sila hanggang ngayong Miyerkules at hindi lumutang ang dalawa.

Driver of car hit by responding fire truck surrenders license to LTO

Nagsampa na sila ng patong-patong na reklamo laban sa rider at kanyang angkas na napag-alamang mga residente rin ng Bgy. Dalig sa Antipolo. Napag-alaman din kasing walang lisensya ang rider. 

"May pagkakakilanlan na po ang rider at ang angkas niya, na-ifile na yung kaso sa prosecutor's office kanina po. Ang kaso ay Physical Abuse in relation to RA 7610, kinasuhan natin ng violation of RA 10054 o Motorcycle Helmet act, at pag-verify namin sa LTO yung rider ay walang kaukulang lisensya sa pagmamaneho kaya isinama na natin ang Republic act 4136," sabi ni Tamondong.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.