← Back to Home
2 estudyante patay matapos makuryente sa 'bubble' fun run sa Cauayan City, Isabela

2 estudyante patay matapos makuryente sa 'bubble' fun run sa Cauayan City, Isabela

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang color and bubble fun run ng isang eskwelahan sa Cauayan City, Isabela nitong Sabado ng umaga, October 3.

🕒 10/3/2026, 2:12:25 PM•436 words•EN

Harris Julio

#Electrocution#Nakuryente#Fun run#Bubble party#Student#Grade school#Cauayan City#Isabela#Regional news#

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang color and bubble fun run ng isang eskwelahan sa Cauayan City, Isabela nitong Sabado ng umaga, October 3. 

Sa video na kuha ni Jeffrey Feliciano, nagkakasiyahan pa ang ilang bata sa mga bula.

Pero ilang saglit lang ay isang batang lalaki ang nakita nilang walang malay at nakahandusay sa sahig. 

Agad na binuhat ni Feliciano ang bata para dalhin sa rescue team.

DepEd addresses COA findings on infra projects, unverified beneficiaries  

“Paglihis nung bubbles, bata na ‘yung nasa sahig. Binuhat ko na, itinakbo ko na siya. Pero ‘yung bata, lupaypay na, parang wala na siyang buhay, kasi sobrang violet na ‘yung labi niya,” sabi ni Feliciano. 

Kuwento pa ni Feliciano, inabutan din niyang nire-revive ang isa pang batang babae. 

“Pagbukas ko ng pintuan ng rescue, meron ‘yung isang batang babae dun na sini-CPR nila,” ani Feliciano. 

Sa inisyal na impormasyon ng pulisya, apat na estudyante ang isinugod sa ospital matapos na makuryente sa kasagsagan ng bubble party. 

Dalawa sa kanila ang idineklarang dead on arrival. 

Dakong alas-kwatro ng madaling araw nang simula ang fun run na nilahukan ng mahigit isang libong indibidwal. 

Matapos na umikot ng ilang kilometro ay bumalik ang mga kalahok sa finish line sa loob mismo ng paaralan kung saan isinagawa din ang bubble party. 

Doon na nangyari ang pagkakuryente ng ilang kalahok.

“Sa finish line na ‘yung bubbles… maraming parent ang nagsasabi na may ground, lagi ‘yun ang naririnig. Kakarating pa lang namin sa finish line, so puro ground na ‘yung maririnig mo, may ground, may ground, ganun. So ‘yung ibang parents tinatawag na ‘yung mga anak nila,” kwento pa ni Feliciano.  

DepEd addresses COA findings on infra projects, unverified beneficiaries

Wala pang inilalabas ng pahayag ang organizer at pamunuan ng Cauayan South Central School tungkol sa insidente.

Habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Nagpalabas naman ng pahayag si Education Secretary Sonny Angara na nagsabing nagsasagawa na ng hakbang para magpahatid ng tulong sa mga naapektuhan.

"Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng dalawang estudyante na nasawi sa Cauayan South Central School, Isabela," sabi ni Angara sa isang official statement.

"Habang patuloy ang imbestigasyon ng PNP at SOCO, nakikipag-ugnayan ang DepEd SDO Cauayan sa LGU at concerned authorities para sa agarang tulong at suporta sa mga apektadong pamilya," dagdag niya.

Iginiit niyang pangunahing prayoridad ng DepEd ang kaligtasan ng mga estudyante at mga kawani ng mga paaralan.

"The safety and well-being of our learners and personnel will always be a top priority. Patuloy ang pagsisikap ng DepEd na matiyak na ang ating mga paaralan ay ligtas at maayos na lugar para sa pagkatuto at pagtatrabaho," aniya.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.